‘The Last Interview’ pays tribute to late Mayor of Tanauan

Palabas na bukas sa mga sinehan nationwide ang pelikulang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.”

Isa itong biopic movie na istorya ng napaslang na Mayor ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili habang nagpa-flag ceremony.

Kilalang mabagsik sa mga kriminal lalo na sa mga taong sangkot sa droga si Mayor Halili. Ipinaparada  pa nga niya sa kaniyang lugar ang mga nahuhuling pusher para aniya ay hindi pamarisan at mabigyan ng leksiyon. Galit siya sa droga kaya isa ito sa mga tinutukan niya nang husto nang siya ay nabubuhay pa. Maaaring ito rin daw  dahilan kaya siya ay pinatay.

Napakarami pa sana niyang magagandang proyekto na gagawin sa naturang lugar pero hindi na niya naipagpatuloy dahil sa nangyari. Kung nabubuhay pa sana siya ay sigurado na marami pa siyang matutulungan.

Anyway, sa mga gusto pang makilala ang pagkatao ni Mayor Halili ay sinikap na gawin para isapelikula ang buhay niya ng journalist na si Ceasar Soriano. Bilang tribute na rin sa kaniya ang pelikula na sa totoo lang ay nararapat lamang dahil sa mga mabubuti at magandang ginawa sa Tanauan, Batangas.

Pinagbibidahan ni John Estrada ang pelikula kasama si Ara Mina, Martin Escudero, Yayo Aguila, Mon Confiado, Michael Flores, Phoebe Walker, Zandra Summer, Kenneth Paul Cruz at Kate Alejandrino.

Leave a comment