Talent manager Len Carillo forgets ungrateful Clique 5 member

Marahil ngayon ay nasa stage na nang pagmo-move on ang talent manager na si Len Carillo sa kinahantungan ng kanyang alagang si Rocky Rivero, member ng Clique 5.

Mula sa bibig ng 3:16 talent head, walang respeto at hindi umaattend ng mga rehearsal ang binata. Naging pasaway din  sya ayon kay Ms. Len. 

Pagkatapos ng binigay na bonggang birthday party at Australia trip ay wala raw paramdam si Rocky. 

Hindi naman daw kawalan ang miyembro ng Clique 5 dahil marami pa namang natitirang members na totoong talented at may utang na loob.

Para kay Ms. Len, mas mahalaga sa kanya ang attitude ng isang talent. Itinuturing nyang anak ang lahat ng kanyang talents.

Tinawag nyang ungrateful si Rocky dahil sa ginawa nito. Wala nang puwang sa 3:16 at Clique 5 ang binata. 

Ang mahalaga raw ay patuloy ang ginagawa nilang pelikula. Ang advocacy film na Kodep ay malapit na ring mapanood ng mga tagahanga.

Sa susunod na taon ay pagsasama sa iisang entablado ang Belladonnas at Clique 5 para sa isang bonggang concert. Masaya ang manager dahil sa kabila ng pinagdaanan ay patuloy ang blessings sa kanya.

Nasa Banana Sundae (comedy show sa Kapamilya network) na rin ang Belladonnas. 

Marami pang dapat abangan. Sa ngayon ay tumutok sa facebook page ng Clique 5 ay Belladonnas para sa updates.

Leave a comment