T-Rex artist Vance Larena waiting for indecent proposal?

Sobrang busy ngayon sa kanyang career si Vance Larena. Kabikabila ang dumarating sa kanyang trabaho.

“Sa kasalukuyan, ako po ay kabilang sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS-CBN. Katatapos ko lang din po ng shooting namin for an iWant series, na pinamagatang Story Of My Life.  Kasama ko po rito si Zaijan Jaranilla at Shy Carlos, directed by Barry Gonzales,” sabi ni Vance.

Patuloy niya, “Meron din po akong mga pelikulang natapos gawin. Una na po rito yung Open, produced by T-Rex Entertainment and Black Sheep Productions. Kasama ko po rito sina Arci Munoz, JC Santos at Ms. Ina Raymundo. Kasali po ito sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019. Ang direktor po nito ay si Andoy Ranay.

“Yung isa pa pong pelikula, directed by Brillante Mendoza, na ang title po ay Resbak. Kasama ko po rito sina Nash Aguas, Khalil Ramos at Felix Roco. ‘Yung isa pa po ay ‘yung Dead Kids, under the direction of Mikhail Red, produced ng Global Studios. Kasama ko po rito sina Sue Ramirez, Khalil ulit, Kelvin Miranda, Gabby Padilla, Jan Silverio at Markus Patterson. Tungkol po siya sa kidnaping ng high school students.”

Natutuwa si Vance na napapansin na siya sa showbiz, na maraming offer ang dumarating sa kanya ngayon.

“Yun naman po ‘yung dasal ko simula nu’ng una pa lang, ang mai-share ang talento ko sa maraming tao at mapansin din po. Para magkaroon din po ako ng platform na iba-iba. Pelikula, teatro, telebisyon, na maipakita ko sa mga tao po ‘yung talento at ma-inspire na rin po sila, mabago ‘yung buhay ‘pag may pagkakataon,  ‘yung mga taong nakakapanood sa akin.”

Gwapo at maganda ang pangangatawan ni Vance, kaya tinanong namin siya kung marami bang bading ang nagpapantasiya at nagpapapansin sa kanya. Pero ayon sa binata, ay wala.

“Ako po kasi ay laking teatro, kaya halos lahat po ng mga kaibigan ko ay mga bading. Masaya po silang kasama. Wala naman pong nagpaparamdam sa akin. Meron naman po kaming mutual respect sa isa’t-isa. Kaya hindi ko po na-experience ‘yung ganun.”

What if may mag-offer sa kanya ng indecent proposal mula sa mga bading?

“Sana nga po, may matanggap,” natatawang sagot ni Vance.

Paano kung may matanggap nga siya?

“E, di tingnan natin,” natatawang sagot ulit ni Vance.

Si Vance ay nasa pangangalaga ng T-Rex Entertainment.

Leave a comment