Sylvia-Rhea’s friendship unbreakable

Iniyakan ng lady boss ng Beautéderm na si Ms. Rhea Tan ang numero unong endorser niyang si Ms. Sylvia Sanchez at ang mister nitong si Sir Art Atayde, nang magkaroon sila ng Covid-19.

“Para ko na siyang Ate, umiyak ako nang nag-postive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart,” saad ng Beautéderm President at CEO na si Ms. Rhea.

Wika naman ng premyadong aktres nang napagtagumpayan nila ang mapaminsalang virus, “It was a dark moment in my life. Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”

Idinagdag pa ni Ms. Sylvia na hindi lang business ang relasyon niya sa Beautéderm, “Proud ako sa pag-endorse ng Beautéderm with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. 

“Rei Rei’s good heart and generosity inspires me dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”

Samantala, dalawang milestone ang pinagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa pag-renew nito kay Ms. Sylvia bilang isa sa mga top celebrity brand ambassadors nito, habang nag-launch ito ng bagong line of all-natural products.

Si Sanchez, bilang unang ambassador ng Beautéderm na ini-launch on a national scale, ay ang The Face Of Beautéderm-isang titulo na na para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto nito.

Upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set – na lahat ay pawang FDA Notified, gaya ng ibang pabolosong mga produkto ng Beautéderm.               

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” sabi ni Anicoche-Tan.

Ayon sa mga pag-aaral, 60% of what is applied on the skin are absorbed by the body. Cosmetics-users could acquire an annual absorption rate of 5 lbs. worth of chemicals.

Kaya naman lumilipat ang end-users sa natural beauty products.

Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion safe for all to use, habang a natural hair oil naman ang Beauté L’ Cheveux na nag-tame ng unruly tresses without the weight of synthetic silicone.

Ang Beauté L’ Elixir, ay isang all-natural skin set with acne buster properties made with nature’s best ingredients, consists of a refining toner, sunblock primer, at night fix créme na perfect para sa lahat ng skin types; mainam para sa adults at tweens; at ligtas para sa mga pregnant and lactating mothers.

“Sa edad kong ito, di na ako masyadong nagme-make up at perfect ang Beauté L’ Elixir para sa akin. Gusto ko rin ang berry scent ng Beauté L’ Tous, at di ko na kailangan mag-blower sa Beauté L’ Cheveux. I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” paliwanag pa ni Ms. Sylvia na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan, kasama ang cast ng Pamilya Ko na napapanood kada 5pm Lunes, Miyerkoles, at Biyernes sa mga digital platforms ng ABS-CBN. 

Game changer na maituturing ang manufacturing process ng mga produktong ito na ginagamit ng Beautéderm sa kanilang all-natural line.

“Gamit namin ang most powerful at effective natural ingredients. We respect their integrity through Cold Process Manufacturing that preserves their potency,” sabi ni Anicoche-Tan.

Para sa mga gumagamit ng mga produkto na may health threatening substances gaya ng parabens, sulfates, phthalates, at triclosan na mayroon ding synthetic colors at fragrances, mainam na lumipat na sa natural beauty products ng Beautéderm ngayong mahalaga ang mabuting kalusugan.

Para sa karagdagang impormayon at updates ukol kay Sylvia Sanchez at sa pinaka-bagong line ng all-natural products ng Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm Corporation sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Leave a comment