Sylvia praises Arjo, Ria for working very hard

Dahil sa magagandang blessings na dumarating sa mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria at Arjo Atayde, at sa ipinapakitang suporta at pagmamahal sa kanila ng entertainment press, kaya naman kahapon ay nagkaroon sila ng thanksgiving lunch.

“Nandito lang kami, kasi gusto lang naming magpasalamat sa inyo (entertainment press), mula pa sa akin, wala pa akong anak. Halos parepareho pa rin ‘yung mukha na nakikita ko, ako pa lang ang nakikipagsaalaran dito (showbiz), nandiyan na kayo sa tabi ko,” sabi ni Sylvia.

Patuloy niya, “Tapos ngayon dumating na ‘yung mga anak ko (Arjo, Ria), ‘yung tulong na binigay ninyo sa akin, ipinasa ninyo sa kanila, so, kitang-kita ko lahat ‘yun. Akala ninyo lang hindi ako nakatingin, pero nakatingin ako. At alam ko, nasa utak ko, nasa puso ko, kung sino-sino kayo.  Maraming-maraming salamat po sa inyo.”

Speaking of Arjo and Ria, sobrang proud at masaya si Sylvia sa magandang nangyayari sa career ng dalawang anak.

“Kung nakapasok sila rito sa showbiz, at kung tumayo sila ngayon, sariling gawa ni Ria at ni Arjo ‘yun. Talent nila ‘yun. Pagiging professional, pagiging focused nila sa craft nila, sila gumawa nu’n.

“Kasi alam naman natin, at the end of the day dito sa showbiz, ang makikita pa rin ‘yung pagiging professional mo, pakikisama at higit sa lahat, talent mo.  Kaya proud ako dahil meron no’n sina Ria at Arjo.”

Inasahan niya ba na mag-aartista rin sina Ria at Arjo?

“Actually hindi ko sila pinalaki..wala akong  pinalaki sa mga anak ko na, “Oh, ikaw Arjo, mag-artista ka, ganito,ganyan, hindi! Kasi gusto kong lumaki sila na magdesisyon sila para sa sariling buhay nila.

“So yung pagiging artista ngayon ni Ria at ni Arjo, hindi ko gawa yun. Tinulungan ko sila dahil gusto nilang pumasok sa showbiz., ‘O sige mag-auditon tayo, mag-work shop kayo,’ Yung ganun.

“So at the end of the day, lagi ko ngang sinasabi, ginawa nila ‘yung best nila kaya nandito sila ngayon.”

Leave a comment