Sylvia continues to shine; Young JV does his own laundry

Masuwerte talaga sa buhay ang magaling na aktres na si Sylvia Sanchez. May masayang pamilya, magandang career at maunlad na negosyo. Paano naman kasi, marunong siyang makisama sa mga tao lalo na sa mga miyembro ng press. Wala siyang sini-sino at halos lahat ay pinakikisamahan niya na hindi tulad ng iba ay namimili lamang. 

Anyway, sa kaniya ngang karera bilang aktres ay laging trending ang pag-arte niya sa Pamilya Ko ng ABS-CBN. Pinag-uusapan palagi ang mahusay niyang pagganap na kahit mahusay na artista si Irma Adlawan ay hindi siya nagpapalamon dito. Bagay na nagugustuhan ng mga manonood kaya mataas lagi ang rating ng naturang programa. 

Sa kaniya namang pagne-negosyo ay matagumpay din dahil kamakailan lamang ay nagbukas na ang pangalawa niyang Beautederm store na matatagpuan sa 68 Roces Avenue, Quezon City. Bukod dito, magkakaroon din siya ng branch sa Butuan City. 

Sobrang thankful si Ms. Sylvia sa suportang binibigay sa kaniya ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang mga anak na sina Ria at Arjo Atayde. Sinasabihan nga niya ang mga ito na bukod sa pagtulong nila sa kaniyang negosyo ay magkaroon din sila ng business na tulad niya. 

Of course, malaki rin ang tulong ng asawa niyang si Papa Art sa kaniya na kahit ano ang gawin ng aktres ay nakasuporta siya. Syempre pa, ang kaniyang mga kaibigan lalo na si Shyr Valdez na naging dahilan kung bakit napalapit siya sa Beautederm. 

***

Si Young JV ang bagong celebrity endorser ng FasClean Extra Powder Detergent na may fabric conditioner. Isa ito sa produkto ng Megasoft ni Ms. Aileen Choi Go na napakaganda ng PR na ‘di gaya ng iba. 

Marami ang tumaas ang kilay nang malaman na sabong panlaba ang ini-endorso  ng singer. Sabi kasi, lalaki siya at ano ang alam niya sa paglalaba. Pero may sagot siya tungkol dito. Bata palang daw siya ay natuto na siyang maglaba dahil tinuruan siya ng tatay niya na maging independent. Madalas kasi ay wala sila sa bansa kaya pag nasa abroad at nasa hotel ay siya naglalaba ng mga damit niya na dinala na niya hanggang sa tumanda. 

Nagpapasalamat si Young JV at kinuha siya ng Megasoft  na dati ay kasama lamang sa mga performer sa promotional tours ng kumpanya sa mga school at universities sa buong Pilipinas. Para kay Ms. Aileen perfect si Young JV sa kanilang produkto dahil sa pagiging world class artist daw niya at pagiging great achiever na pinapahalagahan ang edukasyon.  Isa pa sa mga dahilan kung bakit siya ang kinuha ay siya raw ang tipo ng lalaki na hindi nahihiyang pakialaman ang labada ayon pa kay Ms. Aileen. 

Siyangapala, kahit busy siya sa Megasoft ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang kaniyang singing caree. Abala siya ngayon sa pagpo-promote ng kaniyang single  na “Malandi Ka.”

Leave a comment