Sunshine Guimary tells her “barako” fans: I love you all!

Ibang Sunshine Guimary ang mapapanood sa pelikulang House Tour.

Ayon sa sexy actress, malayung-malayo raw ang pelikulang ito sa nauna niyang ginawa na Kaka at Shoot! Shoot! na parehong sex-comedy.

Ipinahayag ni Sunshine ang dapat abangan ng audience sa kanyang latest movie.

Esplika niya, “Mayroon pong kakaibang makikita sila sa movie namin, isa ito sa pinaka-excited ako sa mga nagawa ko na kakaibang character, malayo siya sa Kaka, malayo rin siya sa Shoot, Shoot.

“Itong House Tour, isa ito sa pinaka-proud na proud ako, kasi ibinigay ko iyong hindi ko inakala na kaya ko pa palang ibigay.

“At ang twist sa character ko, sa ending ay may pasabog sa character na ito,” nakangiting sambit pa ni Sunshine.

Ang House Tour ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda.

Mensahe pa ni Sunshine para sa kanyang fans na mga barako. “And to my all barako fans, I love you all. Iba ito sa makikita nila sa sexy na gagawin ko, medyo… yung pagka-daring nito, parang beyond sa mga nagawa ko sa Kaka at sa Shoot, Shoot.

“Isa ito sa matutuwa yung mga barako kong fans at makikita nila yung serious na side ko. Less na yung medyo kalog, lukaret… more na ito sa mga serious na bagay. At sana, maging dire-diretso na ako sa mga serious na pelikula, hahaha!”

Ang pelikula ay ekslusibong ipalalabas sa Vivamax simula Oktubre 22, 2021.

Isa sa patok na vlog ang pa-house tour ng mga sikat na personalidad. Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito ang ipapakita rito ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng mga malalakas na pelikulang AdanThe Housemaid, at Taya.

Ang aktres na si Gabby (Sunshine) at ang kanyang asawang si Franco (Rafa), na dating manlalaro sa Olympics, ay naninirahan sa isang mala-resort na tahanan. Mula rito ay tanaw ang bulkang Taal.

Bilang sikat na vloggers, pinagbigyan nila ang hiling ng kanilang viewers na magpa-house tour. Ang bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay ay makikita sa kanilang digital channel na C Zone.

Nang nag-post si Gabby na wala ito sa bahay ng buong linggo, umaksiyon na agad ang leader na si Markus (Mark), kasama ang kanyang kapatid na si Raims (Diego), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy), at isa pang miyembro na si Buddy (Marco), at dito mas naging kapana-panabik ang mga eksenang matutunghayan sa House Tour.

Nang mapasok na nila ang bahay ng mag-asawang Franco at Gabby, inangkin nilang parang bahay nila ito. Hindi nila inasahang uuwi si Franco.

Hindi maiiwasan ang kanilang pagtatapat. At habang naglalabanan, may mga lihim tungkol sa bawat isa ang maglalabasan. Ang pagiging “feel at home” ng bawat isa ay mauuwi sa “kill at home.”

Huwag palampasin ang House Tour. Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. 

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayroon pang hot price na P29 lang at  may 3-day access na sa Vivamax.

Sa halagang P499, puwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS. Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gustong pelikula isang linggo bago ang regular playdate!

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.

Para makapagbayad sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.

Para makapagbayad sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, at Load Central.

Leave a comment