Sunshine Cruz goes nude again, will not bring boyfriend to ‘Malamaya’ gala

Bida si Sunshine Cruz sa “Malamaya” (Color of Ash) na entry sa Cinemalaya 2019 sa full length competition, directed by Danica Sta Lucia and Leilani Chavez. 

Isang visual artist si Sunshine na mai-inlove sa isang young phtographer played by Enzo Pineda.

The directors described the film as a sexy romance about art and love. Thus, Sunshine and Enzo required to bare it all sa mga sexy scenes nila. 

Sa trailer, may eksenang mabilis na nagsuot ng pantalon si Sunshine na nakapanty lang, may pumping scene kay Enzo sa lovescene nila at parehong may eksenang almost naked sila while having a conversation.

Sa lahat ng ito, paano napapayag si Sunshine na gawin ang mga delicate scenes now that she has three teenager girls.

“Parang binalikan ko lang ‘yung dati kong ginagawa. Pero this time, ibang approach naman. Hindi bastos. Hindi malaswa.

“Well, I’m glad that I have three beautiful, smart and intelligent girls and they understand what my work is as an actress. Of course, lahat sinasabi ko sa kanila pati ‘yung mga ginawa ko in the past, pinaliwanag ko sa kanila ‘yun bago pa nila malaman sa iba. 

“Sabi ko as an actress, kailangang gawin mo ‘yun since niri-require ‘yun ng role mo. And they would say, ang galing daw, I’ve worked so hard na maging believable ‘yung mga eksena ko. And that’s it! Naiintindihan nila ang trabaho ko. 

“Since kami ang magkakasama sa bahay, we usually watched together nung mga movies ko at sinasabi nila ‘yung mga point nila about my performance and the whole movie. Matatalino ang mga anak ko. Very smart! Kaya naman I’m so lucky to have them,” pahayag pa ni Sunshine.

Kumusta naman si Enzo bilang kapareha ? 

Marami silang intimate scenes at hindi ba siya nailang dito since ngayon lang sila nagkasama? 

“Before the shoot, nag-uusap kami. Siyempre kailangan komportable na kami sa isa’t isa. Good thing we have the same manager, si Arnold Vegafria kaya ayun nakapag-usap naman kami.

“Well, since may mga kissing at lovescene, sinabi ko sa kanya na dapat ready sya at mag usap kami kung paano gagawin. Luckily, parehong babae ‘yung directors namin kaya I know na maaalagaan nila ako,” kwento ng aktres.

May mga bago ring ginawa si Sunshine para sa role niya dito.

“Si Nora (name ng character niya) kasi, chain-smoker sya. Eh ako, I dont smoke. May mga eksena na kinukunan nang paulit-ulit so nakaka-8 sticks na ako na hindi ko naman nauubos pero kailangang ng iba’t ibang shot so nakakahilo. May time pa nga na I passed out. Nakakahilo talaga. 

“Saka may pagka-bitchy ‘yung character ko so dun medyo nahirapan daw ‘yung mga directors ko kasi I’ve known daw as a sweet woman. Pinagtrabahuhan namin ‘yun para maging convincing. Panoorin nyo ‘yung movie and tell me kung nagawa ko,” sey pa rin ng sexy at magandang aktres.

Papayagan ba nyang manood ang boyfriend na si Macky Mathay?

“Ay wag na lang. Kahit sa gala hindi ko sya isasama. Hahaha! Basta wag na lang,” tawa pa ni Sunshine.

Kumusta na sila ni Macky?

“Still going strong kami. Super bait na tao, maalaga, matalino. I can’t ask for more sa kanya. Sobrang sweet pa! And one more thing, she respects me a lot pati mga anak ko.”

Mapapanood ang “Malamaya” starting August 2-13 at the CCP and selected cinemas nationwide. Ang commercial release naman ay sa August 14. 

The movie is produced by Spears Films ni Albert Almendralejo, ALV Films at Cine Likha.

Leave a comment