Sunshine Cruz doesn’t want the audience to focus on sexy scenes with Enzo Pineda

Balik sa pagpapa-sexy si Sunshine Cruz sa pelikulang “Malamaya.” Usap-usapan ang love scene niya kay Enzo Pineda. Hindi talaga maiiwasan na hindi mapansin ang alindog ng aktres dahil hanggang ngayon ay may asim pa siya at pinagnanasahan pa rin ng mga kalalakihan.

Pero hindi dapat ito ang pagtuunan ng pansin dahil may panawagan ang aktres na kailangang mapokus ang atensyon sa pelikula na aniya ay napakaganda nito. 

“Sana people will not focus on just my love scene with a much younger actor. I accepted the movie because it is beautiful, it is different and challenging,” sey niya sa kaniyang Instagram post. 

“Being part of Cinemalaya is a blessing!” she added. “I’ve always dreamt of being part of Cinemalaya and I am grateful for the chance,” dagdag niya.

Isa ang pelikula na kalahok sa Cinemalaya 2019 ang matunog at inaabangan dahil sa kontrobersiyal na tema nito. 

Bukod kina Sunshine Cruz at Enzo Pineda, kasama rin sa pellikula sina Bernadette Allyson, Gloria Sevilla at Raymond Bagatsing. 

Ito ay sa direksiyon nina Danica Sta Lucia at  Leilani Chavez at prodyus nina Albert Almendralejo ng Spears Films at kaibigang Arnold Vegafria ng ALV Films. 

Ipapalabas ito saAugust 3-13 sa CCP at Aug 3-11 sa Ayala cinemas Aug 7-13 sa  vista cinemas. Sa August 14 naman ang commercial run nito sa mga sinehan nationwide.

Leave a comment