Sunshine Cruz discovers fake friend: Don’t expect me to still be nice to you!

Nakarating na kay Sunshine Cruz ang paninira sa kanya ng isang taong kilala niya nang personal. 

Kaya naman nag-post siya ng message sa kanyang Facebook account para iparating sa naninira sa kanya na alam niya ang paninirang ginagawa nito sa kanya. 

Sabi ni Sunshine sa kanyang FB post, “If you are talking bad behind my back (unfortunately it reached me dahil sabi nga, may tenga ang lupa, may pakpak ang balita). Don’t expect me to still be nice to you. I would definitely understand if I did the same to someone and be ignored. I will never buy your pa goody2x. It is a waste of time to still entertain fake people kaya kapag ikaw iniignore ko sa sms and social media, alam mo na.”

Hindi man pinangalanan ni Sunhine ang naninira sa kanya, siguradong alam na nito na siya ang pinatatamaan ng aktres dahil friends sila sa Facebook.

*****

Nag-post ng heartfelt message si Dimples Romana sa kanyang Instagram account para sa kanyang bestfriend na si Angel Locsin pagkatapos nitong i-announce na engage na sila ng boyfriend niyang si Neil Arce. 

Sabi ni  Dimples, “Mahal kong Lyka @therealangellocsin, you will always be my beloved Huling Bantay.  It has been a complete honor and privilege to have journeyed through this life beside you. For now, your Gabay, Trixie will sign off bilang tagapangalaga mo. Kasi dumating na sya. Eto na ‘yung mag-aalaga sayo pang habambuhay.”

Nang mabasa ni Angel ang post na ‘yun ni Dimples ay agad siyang nag-response. Sabi niya, “Hoooooy! Di ka pwedeng mag sign off!!!! Marami ka pang duties sa akin hehehe. Dito ka lang sa tabi koooo.”

Leave a comment