Isa si Sunshine Cruz sa mga nag-reak sa matapang na Facebook post ng singer na si Jimmy Bondoc na gusto niya nang magsara ang ABS-CBN 2.
Sabi ni Jimmy,” I am so excited to see the biggest tv network close down. I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don’t care.”
At ang sagot ni Sunshine kay Jimmy sa pamamagitan din ng kanyang Facebook post.
“Share ko lang po. Year 2013. Nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABS-CBN ang nagbigay ng tsansa na makabalik ang isang katulad kong bagsak na bagsak ang moral. I will always be GRATEFUL to them. Naitaguyod ko ang aking tatlong maliliit na anak, nakapundar ako ng maayos na tahanan na aming tinitirahan ngayon. At nakakakakain kami ng nasa oras dahil sa pagtitiwala ng ABS-CBN sa isang katulad ko. Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuhayan ang nakararaming tao na nagtatrabaho ng maayos para matulungan ang kanilang pamilya dahil kailanman ay hindi ito tama.”
*************
SA June 6 gaganapin sa Zirkoh, Tomas Morato, ang reunion concert ng Jeremiah billed as Jeremiah The Reunion (21st Aniniverary Concert).
Special guests nila rito ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan, Maffy Soler, Soul of Jeremiah at si Ms. Dulce.
For ticket inquiries, please call/text 09453043204. Puwede ring bumili ng tickets sa Zirkoh.
Isa sa kakantahin ng Jeremiah ay ang hit na hit na single nila noong 90’s, ang Nanghihinayang, na hanggang ngayon ay napapakinggan pa rin sa mga FM stations kaya naman alam na rin ito ng mga millennials.
Siyempre pa, kakantahin din nila ang ilan sa mg songs na nakapaloob sa kanilang album noon tulad ng paborito naming ‘Di Ko Kaya. At para sa mga millennials, kakanta rin sila ng mga sikat at usong kanta ngayon. Watch kayo ng concert, siguradong mag-i-enjoy kayo!