Star Music welcomes newest artist Ianna dela Torre

Star Music artist na si Ianna dela Torre matapos niyang pumirma ng recording contract sa Star Music last week.

Kasama niyang pumirma ng kontrata rito ang kanyang uncle na tumatayo ring kanyang manager, ang singer-composer na si Joel Mendoza.

Ang album ng newbie singer ay ilalabas na sa June 19, na ang carrier single nito ay ang “Pinapa” na napapakinggan na at pwede nang i-download sa Spotify. Binubuo ng sampung tracks ang debut album ni Ianna at pawang mga sikat na composer ang gumawa ng mga kanta niya. 

Bukod sa Pinapa, kabilang dito ang revival song na “Kailan” na sinulat ni Maestro Ryan Cayayab, “Always You” ni Jonathan Manalo, “LOVE is Spelled Y-O-U” ni Rox Santos, “Kahit Sa Panaginip” ni Agat Morallos, ang revival song din na “To Love Again” na sinulat ni Odette Quezada, “Through The Fire” ni David Foster, at ang “Wala Kang Kapalit,” “Alam Kong Nandyan Ka,” “Ang Sabi Mo” na pawang sinulat ni Joel.

“Finally! Thank you Lord for everything! Thank you to all the bosses of Star Music, Sir Roxy Liquigan, Sir Jonathan Manalo, Sir Rox Santos, Atty. Marivic Benedicto for this opportunity and to everyone at Star Music for welcoming me to your family. Thank you po Tito Joel Mendoza,” sabi ni Ianna.

Ayon kay Ianna, ang “Pinapa” ay isang upbeat song. Ito raw ay sinulat ni David Dimaguila (Himig Handog 2014 2nd Best Song for “Halik Sa Hangin” and Himig Handog 2016 3rd Best Song for “Laban Pa”).

“Magandang song po ito sa pagpasok ng summer. Ang meaning po ng “Pinapa” ay  pinapatawad, at pinapasaya. Sobrang sensitive po ng song, ito po ay about sa love sa family and friends,” sabi pa ni Ianna tungkol sa kanyang first single.

Ayon pa sa maganda at flawless na teenager, makaka-relate raw ang millennials sa kanyang single.

“Yes po, makaka-relate po sila. Sana po magustuhan ninyong lahat,” nakangiting sambit pa ni Ianna.

Impressive ang credentials ni Ianna, huh! May nagawa na kasi siyang dalawang TV commercials noong siya ay 5 years old pa lamang.

Noong July 2013, nanalo siya ng Junior Grand Champion Performer and Champion Vocalist of the World sa WCOPA 2013 na ginanap sa California, USA. Laman siya ng ABS-CBN Star Magic Acting Workshop mula noong 2011 at nakatapos ng Advanced Acting Workshop Level 2 last October 2018. Nakalabas na siya sa Kapamilya shows tulad ng “Wansapanataym” and “100 Days to Heaven” at ganundin sa shows ng GMA 7 na “Daldalita” at Magpakailanman at sa TV5’s “Enchanted Garden” at “Third Eye.”

Leave a comment