“I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country.” – Robin Padilla

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

robin
© ABS – CBN

Sari-sari ang naging reaksyon ng mga tagahanga ni Robin Padilla sa post niya kahapon sa kanyang Instagram account na (@robinhoodpadilla). Ikinagulat ng marami ang kanyang naging desisyon na layasan ang Pilipinas dahil sa hindi makatarungang mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa.

Patungkol ito sa pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na magpiyansa ng P11.6 million ang Maguindanao Massacre suspect na si former Maguindanao officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan para sa pansamantalang kalayaan. Hindi naitago ng aktor ang kanyang disappointment sa bagay na ito kaya agad itong nagpahayag ng kanyang galit at pagkadismaya sa kanyang IG account.

robin

Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Robin kahapon:

“Tunay po na wala nang naghaharing batas sa Inang Bayan Pilipinas.

“Tunay po na walang piring ang mata ng hustisya.

“Tunay po na walang ngipin ang gobyerno para sa mga makapangyarihang tao.

“Tunay po na ang kagawaran ng hustisya sa bansang ito ay pinamumugaran ng sindikato.

“Tunay po na nalalapit na ang eleksyon kaya’t ang mga pangil at kuko ng mga pulitiko ay nagsisimula nang magplano at magtanim ng mga warlords.

“At tunay rin po na ang nalalapit na eleksyon ay gaguhan.

“My Almighty God, my creator Allah, please take me out of this Forsaken Land…

“My wife, Mariel Padilla, bring me out of this Lawlessness, Insanity, Underworld, before it’s too late for us…

“My leader, Ricardo Penson, I am leaving the Motherland ASAP.

“I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country.

“All this I cannot bear to witness any longer, Omeng [Rommel] Padilla.

“Forgive me, my everdearest mother, Eva Cariño Padilla.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment