Sophie Albert nixes rumors of leaving TV 5

arseni@liao
By Archie Liao

5090e1d6c39611e2879222000ae9142f_7 Mariing pinabulaanan ng Artista Academy best actress na si Sophie Albert na iiwan na niya ang TV 5 at maglilipat-bakod na sa ABS-CBN. Itinanggi rin niya ang balitang nag-audition siya para sa mahalagang papel sa isang teleserye sa Kapamilya network.

Hindi po totoo iyon. The last time na nakatapak ako sa bakuran ng ABS ay noong promo po ng pelikula naming “#Y” pero after that, hindi na po naulit iyon,” paglilinaw niya. Inurirat rin ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) siya tungkol sa espekulasyong kumakalat na balak niyang magpa-release sa TV5 dahil hindi siya kuntento sa takbo ng kanyang career dito.

May nabasa nga po ako tungkol doon pero habang wala pong formal announcement, nanatiling espekulasyon lang po iyon,” deretsahang sagot ni Sophie.

Was there a time na na-depressed ka dahil sa bagal ng takbo ng iyong karera sa TV5?

Personally, opo. Kasi almost two years din akong nabakante at walang project. Pero sa simula lang po iyon. Lahat naman po ng nasa Artista Academy somehow, pinagdaanan din iyong stage na iyon,” pahayag niya. Ayon pa kay Sophie, may ginagawang assessment ang TV 5 Talent Center sa lahat ng alumnus ng Artista Academy ngayong buwan.

May time frame ka ba kung saan tinataningan mo ang sarili mo na dapat ito ang ma-achieve mo sa TV5 otherwise magde-desisyon ka nang mag-alsa balutan?

Right now kasi, masaya naman po ako sa TV 5 dahil may mga projects naman ako. I’m looking forward kasi with this meeting o sa kalalabasan ng assessment nila sa amin,” aniya.

Kung sakali ba, gusto mo pang mag-renew ng kontrata sa TV5?

Mahirap kasing maglipat ng bahay. Siyempre, kung nasa iba kang network, magsisimula ka na naman from the scratch,” aniya. “Iyon namang isyu ng pag-stay ko o pag-alis, hindi naman po iyon naka-depende lang sa akin. It’s actually a decision of both [management and talent],” dugtong niya.

Klinaro rin ni Sophie na hindi siya nai-insecure kay Shaira Mae dahil nailunsad na ito sa engrandeng teleseryeng “Baker King.”

She’s very good naman as an actress. I don’t see her as a competition. Kasi, we have our own strengths naman. I’m happy for her at kung anuman ang breaks that come her way, deserving naman siya dahil pinaghirapan naman niya iyon,” saad niya. “Besides, I would like to believe that there’s something better for me,” pahabol niya.

Hindi pa rin nakikita ni Sophie ang sarili na nagpo-pose sa isang men’s magazines like FHM in the future.

Hindi ko po nakikita ang sarili ko as someone sexy. Naiilang ako,” sabi ng magandang aktres.

vin-sophie

Tungkol naman sa tampo ng kanyang boyfriend na si Vin Abrenica sa TV5, tinanong namin kung susuportahan ba niya ang ka-partner sakaling magpa-release ito sa TV5.

Supportive naman po kami sa isa’t-isa kahit sa mga careers namin.”

Sasama ka ba kay Vin kung sakaling mag-alsa balutan ito sa TV5?

“Wala namang sama-samahan. Magkaiba naman po ang career path namin. Lalaki siya at babae ako. Magkaiba iyong trabaho sa personal,” pagtatapos niya.

Inamin naman ni Sophie na kinilig siya kay Kiefer Ravena kahit hindi siya isang basketball fan.

Happy din siya na nakatambal ang hard court heartthrob bilang love interest niya sa pinabagong sports-oriented sitcom ng TV5 na “No Harm, No Foul” na mapapanood tuwing Linggo sa ganap na alas-8 ng gabi.

Leave a comment