Snooky Serna still shining in her 50’s

Agaw eksena ang mahusay na aktres na si Snooky Serna sa bagong serye ng Syete na “Sahaya.” Gabi-gabi ay pinag-uusapan ang kanyang effective na pagganap bilang kontrabida.

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang kanyang karakter. Kwento ni Snooky, dahil sa husay na rin ng kanyang mga kasama sa serye, ay nagiging maganda ang serye sa kabuuan.

Walang kakupas kupas ang ganda at ningning n’ya bilang isang malaking artista na hindi nawawalan ng projects. Nakakatuwa na kinukuha s’ya lagi ng GMA network sa mga serye nila. Hindi rin nawawalan ng pelikula dahil sa katunayan ay may dalawa s’yang bagong movies—Black Lipstick at In The Name Of The Mother. Na magpapatunay lamang na mas maganda ang kanyang career kaysa sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

Totoong totoo na angat na angat ang karera ni Snooky dahil love na love s’ya ng mga movie outfit at ng istasyon. Naging maganda kasi ang relasyon n’ya sa mga ito. Walang nagreklamo sa kanyang pagiging artista. Kaya nga natutuwa ang mga tagahanga dahil napapanood nila everyday ang kanilang idolo.

Sa dami ng kanyang mga ginawang pelikula at serye, hindi nakakaumay kung paano n’ya binibigyang buhay ang bawat karakter. 

Kwento ng mga kasamahan n’ya sa trabaho, lalo na ang mga baguhang artista, ay hindi madamot si Snooky sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa pag-arte.

Sa bagong pelikula na In The Name Of The Mother, na kanyang pagbibidahan, ay sure na sure na hahakot s’ya ng parangal mula sa iba’t ibang award giving bodies. Mula ito sa produksyon na nagbuo ng award-winning movie na Rainbow’s Sunset. Papel ni Snooky ang isang inang dumaan sa pang-aabuso at natutong lumaban at bumangon. Ang pelikula ay para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Produced by Heaven’s Best ni Harlene Bautista.

Exciting, di ba?! Snooky is Snooky!

Leave a comment