SL Films and Entertainment finds way to help newbie artists

Kamakailan ay pumirma ng managerial contract sa SL Films and Entertainment owned by Bryson Codilla Kaw Hoc sina Angelica and Yorienze Louise Gagarino, Cherry Moredo, Faire Mae Sicat, Petever Von Llona, Ralph Frane Catayas, Princes Nechole Ortega, Markiesha Alexa Mercado at Bimalyn Dawat At, bilang talents ng nasabing kumpanya.

Kasama sila sa lahat ng pelikulang gagawin nito, tulad ng Cellata, Ama at Ang Batang Hesus.

Bago ang contract signing, dumaan muna sila sa workshop, sa pamamahala ng kaibigan naming si Direk Kirby Atienza, ng Artista Academy.

sl-films

At least, may nalalalaman na sila sa akting kapag sumalang na sila sa paggawa ng pelikula.

Na ayon nga kay Direk Kirby ay mahuhusay umarte ang kanilang talents.

Samantala, para sa kaalaman ng lahat, isang registered nurse si Bryson sa London. Nag-decide lang siyang itayo ang SL Films and Entertainment, dahil gusto niyang makatulong sa mga nangangarap mag-artista, at makagawa ng pelikula, na bukod sa entertaining ay may values na makukuha ang audience.

Sa pagsasapelikula ng Ang Batang Hesus, plano ni Bryson na kunin si Karylle para gumanap na Mama Mary.  Maganda raw kasi ang image nito at mukha rin daw kasi itong si Mama Mary kaya bagay daw dito ang role.

Leave a comment