Sitti Navarro on her married life and latest album

Ruben Marasigan

by: Ruben Marasigan
sittiKapag sinabing ‘bossa nova,’ wala nang ibang pangalan pang maiisip ang lahat kung hindi ang singer na si Sitti Navarro-Ramirez. It has been almost 10 years since the release of the double platinum ‘Café Bossa’ na siyang debut single niya. At ngayon, she’ll revive the well-loved album, recorded fresh with Singles Bossa Nova Trio under MCA Music.

“Sobrang saya ko po na makakapaglabas kami ulit ng bagong album. And this time, ‘yung compositions ko naman po ‘yung bida dito sa album na ito,” sabi ni Sitti sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
“The album has 12 songs. It’s the last album I recorded before I got married. And 9 of these songs are famous singles… ‘yung mga singles na talagang tinangkilik. Plus 3 of my original songs na ang carrier single namin ay ‘yung ‘Ligaya.’

sitti2So what makes this album ‘unique’ from the ones you’ve recorded before?

“Kasama ko dito sina Crispin Basilo and Diego Martinez. And it’s different because it’s a live recording al fresco. Kaya na-capture namin ‘yung mga huni ng ibon kasabay ng boses ko, ng gitara ni Crispin at ng percussion ni Diego.”

Some of the well-known Sitti singles were given a fresh twist sa new album niya. Kabilang na nga rito ang ‘Girl From Ipanema,’ ‘Tattooed On My Mind,’ and ‘Para Sa Akin.’ Kasama rin dito ang iba pang favorites like ‘Sunday Morning,’ ‘I Want It That Way,’ ‘To Forget You,’ at ‘Lala Means I Love You.’

What makes this new release special is that her original song finally take center stage. Ito ay ang carrier single na ‘Ligaya.’

“It defines my life right now as a married woman. There’s so much joy and gratefulness surrounding that song, that’s why we gave it that title too. Happiness fleets. Joy runs deeper,” nakangiting sabi pa ni Sitti.

“Mas ano ngayon… I feel deeper. Parang mas may kabuluhan lahat, mas malalim lahat, at mas may hugot lahat. Mas panatag ako. Mas masaya,” pahayag pa ni Sitti.
sitti3Kailan niya planong magka-baby?
“Kapag ibinigay ni Lord, go!” tawa pa niya.

Are they trying now na magkaanak?
“Not naman trying. Not naman din careful. Anything goes lang.
“Right now, happy ako. And happy din si husband.”
Ano sa mga songs niya that will best describe ‘yung nararamdaman niya sa ngayon?
“’Yung Ligaya talaga. Kasi, a… masaya lang ako, e.”

Magiging kasing-active pa rin ba siya sa singing gaya noong single pa siya?

“Mas nagiging ano na ngayon e… nahahati na talaga ‘yung priorities. Kasi when my husband needs me, I’ll go with him. Kapag may mga out of town siya or out of the country, sumasama ako. And what I love about my husband is… he still really pushes me to work, to sing,” paliwanag ni Sitti.

“And ‘yung support niya talagang nandoon. So kung mawawala man ako ng ilang linggo for his work, ganyan… nakakabawi naman sa singing ko. Sa awa ng Panginoon hindi naman po napapabayaan. Na nakakapag-tour pa rin kami at nakakapag-gig pa rin kami.”

sitti4More than three months pa lang siyang married. Nag-sink in na ba sa kanya na misis na siya?
“Parang mga 70 percent!” nakangiting sabi ni Sitti.

Madalas daw ay siya ang nagsa-shopping ng mga damit para sa kanyang husband particularly ‘yung mga corporate attire nito.
Does she also cook for him?
“I’m trying to cook na.”

Sa kanyang responsibility as a wife, saan siya nahihirapan? Na parang pinag-aaralan niya pa rin dahil gusto niyang ma-perfect?

“Hindi ko alam kung masyado akong ideal, e. Pero gusto ko ‘yung… hindi na niya kailangang sabihin, nagagawa ko na. ’Yung sa mga pangangailangan niya. Gano’n.”

Nasa honeymoon stage pa rin ba sila?
“Tuloy-tuloy pa rin. Kakagaling lang namin sa Europe kasi may business meeting siya doon so natangay ako! Kasi he distributes bikes here. And also bike components here in the Philippines. So every year there’s a Euro Bike… parang super-convention ng mga bike brands and all. So pumupunta siya doon every other year.”

Leave a comment