Sisters for life

Parang magkapatid ang turingan nina Marian Rivera at ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Ito ang makikita sa Facebook account ng lady boss ng Beautéderm:

“Plus two more years with you my baby Queen Marian Rivera. This Is A God-Ordained Partnership That is Heavily Seasoned With A Splash Of Mutual Love Respect, & Loyalty. My Heart is So Full as I Celebrate 4 Years of Solid Sisterhood and Counting With my Dearest Marian Rivera-Dantes Who Remains to Be The Flag Carrier Of Beautéderm Home!

“Who Ever Said that One Cannot Mix Business With A Loving Personal Relationship? I Look Forward To Many More Years in Breaking New Grounds and Defying All Norms With My Sister Yan Yan as We Collaborate & Innovate to Serve You All With Essential Products That Will Beautéfy Your Homes With The Comforting Embrace of Serenity & Ultimate Relaxation.”

Recently ay nag-renew ng kontrata ang Primetime Queen ng Kapuso Network bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm Home sa ikaapat taon.

Kaya tuluy-tuloy ang solid at malakas na partnership sa pagitan ng naturang brand at ng misis ni Dingdong Dantes.

Si Marian ang face ng sikat na sikat na Reverie line ng Beautéderm Home na kinabibilangan ng all-natural soy candles, room at linen sprays, at air purifiers.

Ang Reverie ay laro ng salita sa pagitan ng apelyido ni Marian nang siya ay dalaga pa at ng pangalan ni Ms. Tan, at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito – ang mag-drift away, managinip, at mag-relax habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beautiful scents of love ng Beautederm Home.

Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) at pati na rin ang dalawang bagong scents na Matcha To Love at Take Me Away – na lahat ay pawang nilikha mula sa pormulasyon hanggang sa indibidwal na packaging sa very close collaboration kasama si Marian.

Saad ni Ms. Rhea, “Marian and I developed a very close friendship over the years mula noong una siyang naging bahagi ng pamilya bilang brand ambassador ng Beautéderm Home. Umakyat na ang relationship namin mula sa negosyo at itinuturing namin ang isa’t-isa bilang magkapatid. Madalas kaming mag-usap hindi lang tungkol sa work kundi pati ukol sa updates sa aming mga personal na buhay.”

Si Marian naman ay nagpahayag ng sobrang kagalakan sa kanyang continued partnership sa Beautéderm Home.

Aniya, “Pamilya talaga kami, napakabuti at napaka-supportive na kaibigan ni Rei sa akin at sobra kong valued ang aming loving relationship. Ang Beautéderm Home ay part na ng aking daily essentials sa pag-maintain ng refreshing ambiance sa bahay na nakaka-relax sa akin, kasama ang asawa ko at mga anak.”

Sa kasalukuyan, patuloy sina Tan at Marian sa pag-collaborate sa pagde-develop ng mga exciting new product sa ilalim ng Beautéderm Home line na inaasahang mai-launch ngayong taon na naghahanda ang brand sa 12th year nito sa negosyo.

Wika pa ni Marian, “Napaka-exciting na taon nito hindi lang para sa akin ngunit para sa Beautéderm Home. Excited ako sa maraming projects at collaborations na gagawin namin at very grateful ako sa wonderful friendship na pinagsasaluhan namin ni Rei. It’s really a blessing to find true and lasting friendship in this industry and I will always be happy to call her sister and I am honored to represent Beautéderm Home.”

Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by Beautederm Home at exciting updates on Marian Rivera-Dantes, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautederm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Leave a comment