Singing Idol launches as new Star Music artist

Finally, ire-release na sa last week ng March ang self-titled debut album ng tinaguriang Singing Idol na si LA Santos.

Produced ito ng Star Music at ang nagsilbing vocal coach ng gwapong bagets sa album, ay ang magaling na singer/composer na si Joel Mendoza.

Ang album ni LA ay collection ng songs mula sa mahuhusay na composers ng bansa gaya nina Vehnee Saturno (Forever’s Not Enough, na ka-duet dito ni LA ang sister niyang si Kanishia), Jonathan Manalo ( Tinamaan), Garry Cruz ( Miss Terror and Ikaw Kasi ), Garth Garcia ( Mine at Bakit Ang Pag-Ibig ) at si Joel Mendoza  para sa One Greatest Love at revival ng Hanggang Kailan, originally sang by Angeline Quinto.

Kasama rin sa album ang kanta ni Bruno Mars na When I Was Your Man, na napakaganda ng version dito ni LA.

Excited na si LA sa nalalapit na release ng kanyang album at happy siya na naging pamilya siya ng Star Music.

“I’m so excited with the release of my debut album. Definitely, it feels very good po na maging part ng Star Music and very excited po talaga ako kasi soon ila-launch na yung first album ko na talagang pinaghirapan namin na maging maganda ang result. We will be launching end of this month po,” sabi ni LA.

Patuloy niya, “Masarap po sa feeling, at nakaka-proud din po na nagtiwala sila sa akin. Happy din po ako dahil nakita kong naging happy ang mommy ko at ang mga taong involve rito.”

Isa siya sa special guests sa concert na “Kings and Queens of OPM” na gaganapin sa April 29, 2017, Saturday, 8pm, at Resorts World Manila.

 

*********

Masaya kami para sa dating sexy actress na si Allona Amor dahil aktibo na naman siya sa showbiz.

011317-allona-amor

Pagkatapos siyang mapanood sa dalawang serye ng GMA 7 na Oh My Mama at Hahamakin ang Lahat, heto’t muli siyang binigyan ng Kapuso network ng isang serye.

Kasama siya sa “Ika-6 na Utos” na pinagbibidahan ni Sunshine Dizon.

Happy siyempre si Allona sa walang sawang pagbibigay sa kanya ng serye ng GMA 7. Siguro, kaya rin naman ganun, ay hindi siya naging pasaway, na nagpakita siya ng pagiging professional sa mga naunang serye na ginawa niya rito

For the record, bago nawala pansamantala sa showbiz si Allona, ay nakagawa siya ng maraming movies mula sa Regal Films, El Nino Films, Star Cinema, Seiko Films, Leo Films at iba pa, na ang ilan sa mga ito ay pinagbidahan niya na pawang kumita sa takilya.

Isa naman kasi siya sa mga sumikat na sexy stars noong late 90’s dahil sa taglay niyang magandang mukha at sexy body at marunong pang umarte.

At kahit ngayong may dalawang anak na siya na sina Nash at Alih,  ay hindi pa rin kumukupas ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Di ba friend, Throy Catan?

Leave a comment