Showbiz Unlimited airing on IBC-13 beginning July 4, 2015

By PSR News Bureau

Untitled-2

Humanda na  at siguradong magbabago ang Sabado ng gabi ninyo simula July 4, 2015 sa pagsisimula ng “Showbiz Unlimited” na mapapanood na ngayon sa IBC-13 mula 11:00PM hanggang 11:30PM. Ihahatid namin sa inyo ang pinakamaiinit na usapin at pinakasariwang balita sa showbiz. Yes, ang dating kinagigiliwan ninyong tandem na sina Mildred Bacud at Rommel Placente ay muling nagbabalik. Inihahandog ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang “Showbiz Unlimited.” Mula sa dating daily podcast nila sa PSR.ph, nag-level up na po ang “Showbiz Unlimited,” dahil ngayon nga ay mapapanood na sila on national TV.

Trenta minutong  chikahan at tsismisan, ating talakayin ang iba’t-ibang kontrobersiyang kinasasangkutan ng ating mga paboritong artista mula mismo sa kanila at mula sa mga pinagkakatiwalaan nating impormante. May mga eksklusibong panayam, maaaring mag-request at mag-post ng mga tanong, opinyon at kuro-kuro. Inaanyayahan namin kayong makipag-interaksyon sa mga hosts ng Showbiz Unlimited sa pamamagitan ng social media gaya ng Facebook. Pangako namin na magiging patas ang aming pagtalakay at paghimaymay sa bawa’t isyu at pag-report ng mga balitang showbiz.

Tara na’t pag-usapan ang mga maiinit na isyu. Sumama na’t huwag pahuhuli sa mga showbiz balita!

Broadcasting showbiz news will never be the same with Showbiz Unlimited! Brace yourselves starting July 4 as we set the trend and changes the usual format of  showbiz-oriented talk shows. Mark the date—July 4, 2015, 11:00-PM hanggang 11:30PM sa IBC-13! Showbiz Unlimited, maghahatid sa inyo ng pinakamainit at pinakamalulupit na balitang pang-showbiz!

Leave a comment