Showbiz couple Jennylyn, Dennis donate protection supplies to ARMMC

Kahanga-hanga ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na namahagi ng kahun-kahong face mask, face shield, at sanitation supplies gaya ng alcohol at hand soap sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.

Sa Facebook post ng ‘Descendants of the Sun’ actress last Friday, nag-iwan siya ng liham kasama ang ipinadalang package boxes para sa medical frontliners ng pampublikong ospital.

“Thank you so much for all the work you’ve been doing. Words can’t express how thankful we all are for you. Without you, this war against COVID would have been over. We would have been defeated. You gave us a fighting chance. You saved so many lives. You are so tired and yet you continue,” sulat ni Jen.

Samantala, matapos ang taping ni Jen para sa Descendants of the Sun, susunod naman siyang bibida kasama si Dennis sa pinakabagong offering ng GMA-7, ang drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly’ kung saan makakasama ng dalawa ang ‘Love of my Life’ actress na si Rhian Ramos. 

Malapit nang mapanood ang ‘I Can See You’ sa GMA Telebabad.

Leave a comment