Sheryl Cruz to star in a Kapuso musical drama; Jeric Gonzales afraid to post his shirtless?

Kung ‘yung ibang mga aktor natin ay nagpo-post sa kani-kanilang social media accounts ng mga shirtless photo dahil may mga abs sila, sa kaso ni Jeric Gonzales kahit may abs din siya, ay hindi niya ginagawa ang mag-post ng shirtless pictures niya sa kaniyang social media accounts.

Katwiran niya, kulang pa raw kasi ang abs niya. Apat pa lang daw ito, na dapat daw ay anim. Ayaw pa raw lumabas ang dalawa.  Kaya work out pa more ang drama niya.  Pero hindi raw naman niya nakaugalian na mag-post sa social media na shirtless siya.

jeric-gonzales

Regular na napapanood si Jeric sa Kambal Karibal ng GMA 7.

****************************

Nag-text kami kay Sheryl Cruz para alamin ang latest tungkol sa kanya.

Wala kasi siyang serye ngayon sa GMA 7.

Ayon sa message niya sa amin, may bagong project na raw siya sa Kapuso Network na uumpishan niya nang gawin this March.

Isa raw itong musical/drama. Hindi pa raw final ang title nito.  Ang role niya raw dito ay isang former singer at mabuting ina ng lead star sa serye.

img_20180307_111654

O ayan, sa fans ni She, malapit nyo na ulit siyang mapanood sa isang serye.

Samantala, habang hindi pa nag-uumpisa ng taping, busy muna si She sa kanyang zumba class and hula hoop dancing with her fans.

Ayun, kaya naman pala sexy pa rin siya ngayon e!

Leave a comment