Sharon Cuneta’s brother Chet overwhelmed by supporters

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang mga anti- Chet Cuneta sa naganap na proclamation rally kamakailan ng Team Cuneta na dinumog ng maraming tao.

Nasa sampung libo katao kasi at higit pa ang dumalo. Bagay na ikinagulat ng marami kasama na rito ang mga kalaban niya sa pulitika.

Sabi nga ng mga basher ni Mayor Cuneta kaya lang daw ito tinao ito dahil pumunta ang kapatid niya na si Megastar Sharon Cuneta. Siya raw ang dahilan kung bakit dinagsa ang naturang proclamation rally.

Sa totoo lang, walang kaalam-alam ang mga tao na darating si Sharon. Isa pa, naka-red na damit ang mga dumalo na ibig sabihin mga supporters ni Mayor Chet ang mga pumunta dahil pula ang nirerepresent na kulay ng Team nila.

Nararamdaman na nga na gusto na ng pagbabago ng  mga tao sa siyudad ng Pasay at si Mayor Chet na ang sagot dito. Nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng kaniyang mga kababayan. Pinasasalamatan din niya ang kaniyang buong team ganundin ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Bukod pala kay Sharon, isa rin sa mga sumusuporta sa kaniya ay si Robin Padilla. Malaki ang paniniwala ng action superstar sa magagawa ni Mayor Chet para sa mga tao sa Pasay.

Anyway, isa sa mga prayoridad ng tumatakbong Mayor ng Pasay na hindi nagawa ng kasalukuyang administrasyon ay PROGRAMANG PABAHAY. Malaki ang magagawa nito sa mga mamamayan ng Pasay na halos ay wala pang mga sariling tahanan.

“Karapatan ng bawat isa ang magkaroon ng sariling bahay . Sisikaping  matugunan ko ang pangangailangang ito katulad ng ginawa ng aking amang si Mayor Pablo Cuneta at higit pa.  Sa BAGONG PASAY, kasama sa programa ang pagkakaroon ng maayos at sigurong matitirahan para sa bawat pamilya.”

Ilan pa sa mga gustong gawin kapag nailuklok na siya ay ang Pagbabalik sa mga napaalis ng demolisyon, pagtatayo ng maayos at magandang building para sa housing facilities, pagbibigay ng award sa mga lupang sa kasalukuyang kinatatayuan ng bahay at pamamahagi  ng libreng housing facilities sa mga walang tirahan.

Napakaganda ng isa sa mga platapormang ito ni Mayor Chet at sigurado marami ang matutuwa rito. Napakaimportante na magkaroon ng sariling bahay na matitirhan. Isa ito sa mga pangunahing kailangan ng tao.

Siyangapala, patuloy na dinudumog ng mga tao ang isinasagawang kampanya ng Team Cuneta. Sobrang tuwa si Mayor Chet sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao.

Leave a comment