Sharon Cuneta reconciles with Piolo Pascual

by PSR News Bureau

sharonNangyari na nga ang pinakaaasam ni Megastar Sharon Cuneta—ang magkrus ang landas nila ng personal ng lalaking itinuring niya dating ‘anak’ na si Piolo Pascual. Naganap ang nasabing pagkikita sa birthday party na inihanda ng ABS-CBN para sa President nitong si Charo Santos-Concio sa Edsa Shangri-La Hotel. Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Sharon sa kanyang social media followers ang detalye ng pagkikita nilang muli ng ex-boyfriend ng anak niyang si KC Concepcion.

Sinabi pa ng Megastar na ang pagkikita nila ni Piolo ay maituturing niyang “one of the best gifts God gave me this year.”

Nagkaroon kasi ng hidwaan sa pagitan nila magmula nang magkahiwalay ang aktor at ang panganay na anak niya na si KC. Matatandaang nakapaglabas pa siya ng sama ng loob noon tungkol kay Piolo sa Twitter. Inamin ni Sharon na lubos siyang nagsisisi sa kanyang ginawang ito.

“Sometimes, unlike a mama lion, a human being will regret losing her temper, her patience—never mind that the cause of such anger was also her being provoked by people who could never understand, and even rubbed salt in her wounds, kicked her when she was down…till you end up being angry at yourself because you know that you were raised to be decent, that some things would have been discussed in private, and people with the worst intentions should have been ignored totally.”

Piolo-Pascual-2Nang muli nga silang magkita ni Papa Piolo, kuwento pa ni Sharon, “He hugged me tight and when I looked at his face, I hugged him back so tight…’I am so sorrys’ and ‘I love yous’ and ‘I miss yous’ later, making me tear up…”

Nag-share pa ang Megastar tungkol kay Piolo: “I am sorry that you and my baby [KC] had to end your relationship, and I am sorry for how very publicly I made my emotions known. Thank you, Lord Jesus for forgiveness, restored friendships, and love,” pahayag ni Sharon.

“Most of all, thank you that my Kristina is fine now and happy,” pagtatapos pa ni Sharon.

Leave a comment