Shaira Diaz on her status with EA Guzman: Walang label

Hindi pa rin maamin ng Kapuso actress na si Shaira Diaz ang relasyon nila ni Edgar Allan Guzman hanggang ngayon.

Taliwas din sa mga napapabalita, never pa rin daw silang nagkabalikan.

“Ngayon kasi, sobrang kahit wala, may pakilig pa rin, ganoon lang, kasi hindi rin naman namin priority ang magkaroon ng lovelife sa ngayon,” aniya.

Sey pa niya, nasa punto raw sila na ini-explore pa ang posibilidad ng relasyon nila ngayon.

“Siguro, mas pinapatatag lang namin yung foundation namin ngayon” paliwanag niya. “Iyong sa amin kasi ngayon, parang walang label,” dugtong niya.

Masaya si Shaira sa paglipat niya sa Kapuso network dahil muli naman siyang naging abala.

 First time din niyang magbibida sa pelikulang “Because I Love You” kung saan katambal niya ang tsinito hunk na si David Licauco.

“It’s my biggest break so far kasi lead role siya. I think, may chemistry naman kami ni David kasi nagku-complement naman iyong personality namin,” aniya.

Kahit maraming girls at miyembro ng LGBT ang naa-attract kay David, hindi raw niya ito puwedeng talunin.

“I consider David as my brother. Pareho kami ng management kaya hindi kami talo,” esplika niya.

Aminado rin siya na hanga siya sa abs ni David.

“Mahirap to maintain that… to be physically fit… at hanga ako sa mga taong despite their busy schedules, hindi napapabayaan ang kanilang physique,” aniya.

Palabas na sa mga sinehan, first time nina David at Shaira na magpapakilig sa pelikulang “Because I Love You” na base sa Wattpad story na isinulat ni Charlotte Dianco at idinirehe ni Joel Lamangan.

Kasama rin sa cast sina Martin del Rosario at Michelle Dee, (anak ni Melanie Marquez) in special roles.

Nasa supporting cast din sina Samantha Lopez, Timothy Lawrence Yap, Monsour del  Rosario, Bernadette Allyson, Jao Mapa, Victor Basa, IC Mendoza, Mosang, Afi Africa at marami pang iba.

Bukod sa kanyang pelikula, mainstay din si Shaira ng GMA kiligseryeng “Love You, Two.”

Leave a comment