Shaina is single, no time to get married?

Ang “Single/Single: Love Is Not Enough” ay isang serye na mayroong thirteen episodes na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli.

Umere ito noong 2016 sa cable sa direksyon nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa.

Saksihan ang pagpapatuloy ng istorya ng pagiibigan nina Joee (Shaina) at Joey (Matteo) sa nalalapit na theatrical release ng “Single/Single: Love Is Not Enough” ngayong May 2.

fb_img_1524691736981

“Never in wildest dream ko na naisip na magiging pelikula kami. We did the first season and nagpapasalamat kami na nagustuhan ng mga tao, so nagkaroon kami ng second season and I’m not expecting a third, and now a movie,” sabi ni Shaina sa presscon ng “Single/Single.”

Patuloy niya, ”So we would like to thank our bosses, the Philippine Star and Cinema One, and of course Star Cinema. Star Cinema is on board in distributing it. So maraming salamat.”

Since ang title ng pelikula ay Single/Single, tinanong si Shaina kung nai-enjoy ba niya ang pagiging single hanggang ngayon o naiisip na rin niyang mag-asawa?

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring karelasyon si Shaina after nilang maghiwalay ni  John Lloyd Cruz ilang taon na ang nakakaraan.

Sagot ni Shaina, ”Hindi ko ho masasabi, eh (ang maisip nang mag-asawa). Apparently, marami pang pinapagawa sa aking projects, ayaw pa ho akong pagpahingahin. And don’t get me wrong, I’m very grateful sa mga trabahong dumarating po sa akin. In perfect time, mangyayari ‘yun. Pero kung kelan, hindi ko pa po alam. Hindi naman po ako nagmamadali.”

fb_img_1524691819159

Tampok din sa Single/Single: Love Is Not Enough ang lahat ng cast members mula sa cable stories gaya nina Cherrie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy at JC Santos.

Leave a comment