Shaina Magdayao confirms real status with Piolo Pascual

Si Shaina Magdayao ang pangunahing bida sa iWant digital series na Past, Present, Perfect? Gumaganap siya rito bilang si Shantal, isang manunulat na na-in-love sa kanyang professor na ginagampanan naman ni Vin Abrenica.

Since Past, Present, Perfect? ang title ng serye ni Shaina, nai-connect si Piolo Pascual, na naging part ng past niya, pero kasama pa rin sa kanyang present.

Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Piolo?

“Nasa present, nasa past,” natatawang sabi ni Shaina.

Nilagay daw si Piolo ni Lord sa kanyang past, at nandiyan pa rin hanggang ngayon sa present.

Diretsong tinanong si Shaina kung nagkaroon ba sila ng “something” ni Piolo, ang diretso niya ring sagot, “Hindi! Nandiyan lang siya. Hayaan lang natin. Kapag dumating naman ‘yung future, gaya ng sabi ko, sasabihin ko naman at aaminin ko naman sa inyong lahat.”

What about the future? Andiyan pa rin kaya si Piolo?

“Hindi ko alam ‘yung future, pero nagpapasalamat ako na kasama siya sa past ko, at nandito pa rin siya sa present ko.”

Samantala, ikinuwento ni Shaina ang magandang karanasan niya sa CANNES International Film Festival with Piolo para sa pelikula nilang The Halt (Ang Hupa) directed by Lav Diaz. Ang nasabing film ay naging part ng Directors’ Fortnight.

Ayon sa aktres, sobrang proud and honored siya na dumalo for the first time sa CANNES at rumampa sa red carpet.

“It’s an honor to represent our country. Ang da­ming Hollywood stars doon. And hindi rin naman na­min naisip na makakarating kami together (ni Piolo) sa CANNES,” sabi ni Shaina.

Nang tanungin kung sinu-sino ang nakita niyang Hollywood stars, aniya ay sina Robert Pattinson, Willem Dafoe, Julianne Moore at marami pang iba. Ang ikinalulungkot daw niya ay hindi niya nakita si Brad Pitt at si Leonardo DiCaprio.

“Sobrang daming tao. People from all over, lahat ng gustong magpa-discover, lahat ng producers, lahat ng writers, lahat ng artista, gustong mag-artista, model, nandu’n lahat. And overwhelming ‘yung buong place. It’s very much alive.

“Pero we were also busy din kasi with the interviews para du’n sa film namin dahil nagpunta po kami ru’n to represent our film. Unfortunately, hindi ko na-meet si Brad Pitt at si Leonardo di Carpio. So, sa panaginip ko na lang po sila imi-meet,” natatawang sabi ni Shaina.

Natanong din ang aktres tungkol sa tsikang lilipat na siya sa GMA-7 at aniya ay wala naman daw ganitong ganap.

“Sa ngayon, wala, and meron akong ‘eto, Past, Present Perfect and kakauwi ko lang the other night from CANNES Filmfest, so nilulunok ko pa, dina-digest ko pa lahat ng pangyayari dahil hindi ko ine-expect lahat ng nangyayari sa akin ngayon.”

Kasama rin sa Past, Present, Perfect? si Loisa Andallo, bilang young Shantal, Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijah Canlas, VJ Mendoza, Romnick Sarmenta, Allan Paule at marami pang iba. The series is now streaming for free on iWant.

Leave a comment