Sexy actress Sheree to headline Paris-inspired concert this April

IPINAHAYAG ng sexy actress na si Sheree na naoverwhelm siya at dream come true ang gaganaping virtual show niya next month.

Matutuloy na ang virtual show ng former Viva Hot Babe titled L’Art De Sheree. Last year ito dapat sa Music Museum, pero dahil sa pandemic na hatid ng Covid19 ay na-postpone ito.

Gaganapin ito sa eksaktong birthday ni Sheree sa April 20, kaya naman masayang-masaya ang aktres.

Pahayag niya, “Grabe! Na-overwhelm ako, dream come true po ito talaga. Naiyak ako nang nakita ko ang poster ng ktx.ph.”

Dagdag pa ni Sheree, “Ang mga guests ko halos mga winner na aerialist sa kani-kanilang field. Nandito rin si Gian Magdangal na first time namin mag-sing ulit after so many years, Viva Hotbabes, Kristel-Pilipinas Got Talent winner, national artist in aerial and pole-Jamaica Jornacion, Johnny Sustantivo ng Talentadong Pinoy, directed by: Jamaica Jornacion and Noel Maximo.

“It’s a show that I saw in Paris na na-inspire ako. Burlesque is what I wanted to do ever since.”

Ano ang dapat asahan ng mga gustong manood nito?

Pakli ni Sheree, “Isa siyang roller coaster ride na show, hehehe. Kakaiba ito…

“Kahit yung mga crew and si direk namin medyo pigil-hininga kapag nag-shoot kami. At malalaman nila kung bakit kapag na-watch na nila yung show.”

Aniya pa, “I’m doing pole, aerial hoop, aerial hammock, burlesque, bondage art… parang story ito ng life ko in general at maraming makaka-relate. Women empowerment and gender equality, all in one! Hehehe!

“Ang goal ko dito is to give our audience a different type of entertainment-men, women, but no kids.”

Ano ang feeling niya na natuloy na rin ito, although virtual concert na ngayon?

“Masaya kuya, kahit sobrang hirap pa rin… and sobrang thankful sa mga tao who supported to make this possible na matuloy na rin.

“Mayroon pang nag-help but mas gusto niya na huwag na lang siya i-mention. Sana ma-bless pa siya nang more and more for helping…

“Sa totoo lang, hindi rin po madali kahil virtual, magastos pa rin po,” sambit pa ni Sheree.

Leave a comment