Sen. Sotto leads in Pulse Asia’s senatorial candidates; actress Alma Moreno made it to the top 20

by PSR News Bureau

tito-sotto-COC

Inilabas na ng Pulse Asia ang kanilang nationwide survey ukol sa mga senatorial candidates kung saan nagkaroon ng 1,200 na respondents at isinagawa mula November 8 hanggang 15 ng taong kasalukuyan. Nangunguna sa listahan si Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha ng 72.6 percent ng share ng boto. Pinaniniwalaan nga marami na malaki ang naitulong ng programang “Eat Bulaga” at ang sikat na “Kalyeserye” segment nito kung saan mainstay si Senador Sotto kung kaya niya nakopo ang ganun kalaking share ng boto.

2016-senatorial-preference-tables-pulse-asia-20150317-001

Isa rin si Sarangani Representative Manny Pacquiao ang kasama sa top senatorial bets ng Pulse Asia survey. Kasama sa listahan sa pagitan ng “7-10” si Pambansang Kamao na mayroong 50.2 percent share ng boto.

Maging si Manila Vice Mayor Isko Moreno ay nasa 13 na spot na mayroong 30.4 share ng boto. Si Edu Manzano naman ay nasa puwestong “14-18” na mayroong 22.2 percent ng share ng boto. Habang si former Pampanga Governor Mark Lapid naman ay nasa “14-18” ranking rin na mayroong 20.4 share ng boto.

20130502-alma-moreno-rapplerAng nakagugulat sa kabila ng naging kontrobersiyal na interview sa kanya ay maging si Paranaque Councilor Alma Moreno ay nakasama rin sa top 20 na gustong maging senador ng mga mamamayan. Siya ay nasa “18-20” sa survey at mayroong 15.4 percent ng boto.

Ang ilan pang top senatorial bets para sa 2016 elections base sa Pulse Asia survey ay sina Senador Ralph Recto, former Senator Francis Pangilinan, former Senator Richard Gordon, former Department of Justice Leila De Lima at Akbayan Party List Representative Liza Hontiveros-Barquel.

Leave a comment