Sen. Bong Revilla bringing back his “agimat” very soon

Halos hindi na makapaghintay ang mga tagahanga ni Senator Bong Revilla sa kanyang pagbabalik sa telebisyon via Agimat ng Agila sa GMA-7.

Ang nasabing serye na fantasy-adventure, na punung-puno ng aksyon, drama at katatawanan, ay binusisi at pinagandang mabuti ng direktor na si Rico Guttierez at si Nap Jamir ang direktor ng photography.

Ginagampanan ni Sen.Bong ang isang forest ranger na makikipagsagupa sa masasamang elemento na tiyak na magugustuhan ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan kaya pinamagatang Agimat Ng Agila.

Si Sanya Lopez ang gumaganap na leading lady ni Sen. Bong. Puring-puri niya ang dalaga.

Sabi ni Sen. Bong tungkol kay Sanya, “She’s a very good actress. Sa tingin ko, ‘yan ang mga may future na maging reyna (sa showbiz).”

May kissing scene sa Agimat Ng Agila sina Sen. Bong at Sanya.

Sa tanong sa una kung nanginig ba ang huli sa halikan nila, ang natatawang sagot ni Sen.Bong, “Actually, ako ‘yung nanginig. ‘Yung kissing scene, ako ‘yung nailang. Pero at least okay naman.”

Talagang kaabang-abang ang pagbabalik ng agimat. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ni Sen. Bong na may almost 2 million followers.

Leave a comment