Sean De Guzman shares his experience with director Joel Lamangan

Nu’ng napili si Sean De Guzman, member ng Clique 5, para magbida sa Anak Ng Macho Dancer, sequel ng Macho Dancer, na pinagbidahan noon ni Allan Paule, ay ibinalita niya agad ito sa kanyang manager na si Len Carillo, ng  5:16 Events and Talent Management.

“Chinat ko siya. Sabi ko, “Nay good news. Sa sobrang tuwa niya, nag-video call siya. Teary-eyed siya. Sobrang tuwa po ni Nanay,” sabi ni Sean.

Bilang paghahanda sa kanyang role, pinanood ni Sean ang Macho Dancer.

“Pinanood ko siya. Sobrang ganda po pala talaga nu’n. Kaya pala pinag-usapan dati. 

“‘Yung unang scene po kasi, lalaki sa lalaki po agad. Si Sir Allan, saka ‘yung foreigner. Pawisan sila, tapos naghahalikan. Sabi ko, may ganu’n pala.  Nakakakilabot po, actually.”

Ayaw sabihin ni Sean kung may frontal nudity scene siya sa pelikula. Pero sinisigurado niya na daring siya rito.

“Basta panoorin na lang po ng mga tao ‘yung movie para malaman nila.”

Okey lang ba sa kanya na maging sex object na ang tingin sa kanya ng mga bading, since gumawa siya ng isang gay film?

“Okey lang naman po sa akin,” natatawang sagot ni Sean.

Si Joel Lamangan ang direktor ng nasabing pelikula. Kilala si Direk Joel na naninigaw at minumura ang mga artistang dinidirek niya.

At na-experience na rin ni Sean na mamura ni Direk Joel.

“Namura na po niya ako. Naka-mic pa nga siya,” natatawang sabi pa ni Sean.

“Pero okey lang po ‘yun, part po ng trabaho.

“Nakakakaba po. Pero ‘yung kaba na ‘yun, nagamit ko po para mas lalo po akong makaarte nang maayos.”

May love scene sa pelikula si Sean with Elora. Hindi ba siya tinablan?

“Hindi naman po. Naka-plaster naman po ako,” natatawang sagot ulit ni Sean.

Kasama si Allan sa pelikula. Ang aktor ang gumaganap na tatay ni Sean. Anong sabi sa kanya ni Allan nu’ng una niya itong ma-meet?

“Nu’ng nag-presscon po kami ng Anak ng Macho Dancer, sabi po niya, “Oo nga kamukhang-kamukha ko. Parang nu’ng kabataan ko.”

May mga binigay ba sa kanyang payo o tips si Allan kung paano niya gagampanan ang kanyang role?

“Sabi po niya, “Just Be Yourself. Kalimutan ko raw ‘yung mga workshop na nandu’n ako. Kelangan sarili mo lang talaga, kumbaga, ‘yung tumulong sa ‘yo.”

After ng Anak Ng Macho Dancer, willing pa rin ba siyang gumawa ng gay film?

“Okey lang po. Basta maganda ‘yung story.”

Bakit niya naisip na gumawa ng isang gay film?

“Ngayon po kasi, lockdown. Walang masyadong kita. Kasi before, nakakaraket kami, sumasayaw. Inisip ko, para may kikitain. And para sa akin, kahit ano pong role ang ipagawa sa akin, go lang ako. Saka malaki po ang tiwala ko kay Direk Joel. Joel Langamgn is Joel Lamangan po.”

Ang Anak ng Macho Dancer ay produced ng Godfather ni Joed Serrano.

Leave a comment