Sanya on bashers: You cannot please everybody

Mula noong nagsisimula siya sa pag-a-artista ay Kapuso na si Sanya Lopez; ano ang rason ng pagiging loyal niya sa GMA?

“Siyempre po, masarap maging loyal sa isang istasyon na sobra ang pagmamahal na binibigay sa’yo. Sila po ang reason kaya may napapanood po silang Sanya Lopez ngayon.

“Utang na loob ko sa GMA ang unang mga break na binigay po nila sa akin sa showbiz,” ang sagot ni Sanya sa una naming tanong sa kanya sa panayam namin sa kanya via e-mail kahapon, June 11.

Isa ring Sparkle artist si Sanya, sa palagay niya, ano ang nakita ng management sa kanya para kunin siya bilang artist ng Sparkle?

“Siguro ang dedikasyon ko sa bawat trabahong binibigay po nila sa akin. Binibigay ko kasi ang best ko sa bawat role na napupunta sa akin at pinaghahandaan ko rin itong mabuti.”

May dream pa ba si Sanya? Ano at bakit?

“Meron po, ‘yung heavy acting talaga.

“Either tungkol sa mga taong mentally incapacitated or may malalang sakit.

“Para hindi lang masubukan dito ang kakayanan ko pa sa acting kundi para ma-explore ko kung anong buhay meron talaga sila, kung ano iniisip nila at ano pakiramdam ng isang taong may malubhang karamdaman.”

Lahat yata ng celebrities ay may bashers? Paano ito naha-handle ni Sanya?

Ano ang pinakamasakit na bashing ang naranasan ni Sanya at paano niya iyon sinagot?

“Lagi ko na lang pong iniisip na part po talaga ng buhay ng isang artista ang bashing. You cannot please everybody.”

Hindi ba siya nakaranas ng anxiety o depression sa panahon ng pandemya? Kung oo, paano niya ito nalampasan?

Ano ang payo ni Sanya sa mga kabataan para manatiling mentally healthy sa panahon ng pandemya?

“Siguro partly hindi po dahil marami po kasi akong kasama sa house nung pandemic. Kaya kahit naka-quarantine, okay lang po.

“Nagkaroon kasi ako ng time sa sarili ko at makapagpahinga. Although wala nga lang pong work.

“Nung lock in taping ko lang partly naramdaman ang medyo nakaka-depress. Kasi after work balik na kami sa kanya kanya naming room. Di kami pinapayagan to mingle sa mga co-actors namin. At isang buwan po iyon.

“Siguro maipapayo ko lang sa mga kabataan na magdasal palagi. Ang mind kasi natin madaling i-pollute ng mga masamang bagay lalo na ‘pag walang ginagawa.

“Always keep themselves busy para hindi ma-depress at isa pa, maging helpful din sila sa house nila para hindi sila magisip ng ibang bagay.”

Sino pa ang artistang hindi nakakatrabaho ni Sanya ang nais niyang makatrabaho at bakit?

“Siguro sina Alden at si Ms. Bea Alonzo.

“Gusto kong makasama rin sila sa isang show. Dream siyempre ng isang artista ang makatrabaho si Ms. Bea.

“Lalo na ako dahil idol ko siya noon pa. As a matter of fact, most ng mga audition pieces na ginagamit ko noon ay excerpt sa mga movies ni Ms. Bea.

“Si Alden naman gusto kong makatrabaho ng mas mahaba dahil ilang beses na kaming nagkasama before pero mostly hosting job lang and short guesting stint sa Encantadia.

“Sana this time sa mga teleserye naman.”

Bukod sa pag-aartista, may business ba si Sanya? Ano? Kung wala at may plano siyang magbukas ng negosyo, ano iyon at bakit?

“If ever na magtatayo ako ng business, ang gusto ko yung sariling clothing line ko. Mahilig din kasi akong magdesign ng damit and most of it mga simple at minimal designs.

“Maglalaro na lang ako sa combination ng colors.”

Bida si Sanya sa top-rating GMA series na First Lady na napapanood weeknights; nakikita ba niya ang sarili niya in the future na maging isang First Lady o tatakbo sa pulitika?

“Hindi ko pa po masabi ‘yan ngayon.

“Para kasing mahirap pumasok sa politics. At dapat malawak ang experience mo pagdating sa pulitika. Pero sa ngayon ‘di ko pa siya nae-entertain sa mind ko.

“Kung sa pagiging first lady naman, hindi ko rin alam e. Kung may magkamali po na ligawan ako ng isang magiging presidente natin someday why not po,” at tumawa si Sanya.”

Isa na si Sanya sa mga itinuturing na reyna ng GMA, ano ang masasabi niya sa achievement niya na ito?

“Actually hindi ko pa siya talaga naiisip, na reyna ng GMA. Sa tingin ko po marami pa talaga akong dapat pang i-improve. Malayong-malayo pa rin ako sa mga tunay na reyna po dito sa GMA.

“Pero I’m very happy sa mga nakaka-appreciate ng lahat ng ginagawa ko dito sa GMA. Pati na rin sa mga viewers na napapasaya ko, nakakataba talaga ng puso.”

Magwawakas na mamayang gabi ang First Lady.

Leave a comment