Sanya Lopez will never forget her role in ‘Encantadia’

Unforgettable kung maituturing ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang pagganap niya bilang Sang’gre Danaya sa hit primetime series na ‘Encantadia.’

Aniya, “Noong binigyan po ako ng break ng GMA na bumida sa isang teleserye na gumanap bilang si Danaya sa ‘Encantadia,’ hindi ko po talaga makakalimutan ‘yung panahon na iyon kasi ilan po kami sa mga pinagpilian at lahat sila kapwa magagaling.

“Kinabahan po ako at marami rin po akong hirap at pagsubok na pinagdaanan bago ko po nakuha ‘yung role. Marami rin po ‘yung nagduda kung kakayanin ko ‘yung role ni Danaya bilang isang baguhan sa industriya na ito.”

Dagdag na kuwento ni Sanya, hindi siya halos nakatulog dahil sa excitement niya, “Napakasaya ko po talaga nung araw na ‘yon pero hindi ako nagpakampante. 

“Nagre-rehearse na kami, nagte-taping, hanggang sa nakita ko na ‘yung sarili ko sa TV bilang si Danaya, at doon ko lang nasabi sa sarili ko na, ako na po si Danaya — isa po sa mga pinaka-proud moment ko po iyon.”

Muling napapanood ang ‘Encantadia’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Leave a comment