Hindi ikinaila ni Ryle Paolo “Paoie” Santiago, anak nina Sherilyn Reyes at Junjun Santiago (kapatid nina Rowell, Randy at Raymart) na mas close siya sa kanyang stepdad na si Chris Tan kesa sa kanyang biological father.
“Ever since naman po noong 3 years old pa ako, mas close na ako sa kanya [Chris Tan]. I really treated him as my father in the same way na he treats me as his real son. Tinanggap niya ako as his own kaya napakalaki ng respeto ko sa kanya,” paliwanag ni Ryle.
May mga isyu noon na balak mo raw palitan ang iyong apelyido from Santiago to Tan. Ano ang nangyari?
“Once, nagpaalam po ako sa kanya [ang tunay niyang amang si Junjun Santiago], pero ayaw niya. So, I have to respect that kasi he’s my biological father. Boss ko rin po siya sa ABS-CBN dahil business unit head siya roon. Noong ngang sinabi ko na mag-aartista ako, hindi pa ako decided kung Tan o Santiago ang gagamitin kong screen name. Sabi niya, gamitin ko raw ang Santiago kasi royalty daw ang mga Santiago sa showbiz,” pahayag niya.
How do you get along with the Santiagos at sa mga kapatid ng father mo?
“Nagkikita po kami minsan. So, nagha-hi po at naghe-hello ako, bilang respeto po sa mga elders pero hindi na po ako umaasang mabalik ang dati,” makahulugan niyang pahayag.
Ang tinutukoy ni Ryle Paolo ay ang relasyon nila ng mommy niya sa mga Santiagos na for some reason ay nagkalamat at naging malaking isyu noon ang kanilang hiwalayan blues na nauwi sa annulment ng kasal ng kanyang mga magulang. Ilang taon pa lang noon si Ryle nang magkahiwalay at ma-annul ang kasal ng kanyang mga magulang at ngayon nga ay may mga respective partners na ang mga ito.
“After that kasi, nag-move po siya [Junjun] temporarily. Nagpunta siya ng Australia. Medyo nagka-distance na dahil hindi na kami nagkikita,’ sabi niya.
Ano ang best advice na ibinigay sa iyo ng mga parents mo sa pagpasok mo sa showbiz?
“Sabi nila, huwag daw akong male-late sa mga shooting o taping. Maging professional daw po ako at laging nakangiti kahit napapagod na,” pagbabalik-tanaw niya.
Biggest break ni Ryle Paolo ang “Parang Normal Activity,” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Makoy, isa sa mga miyembro ng Paranormal Club na magkakaroon ng mga engkuwentro sa mga multo, manananggal, zombies at iba pa sa kanilang pagtuklas ng mga misteryo tungkol sa supernatural.
Enjoy si Ryle sa kanyang role dahil kakaiba ito dahil ang “Parang Normal Activity” ay pinaghalong misteryo, katatawanan at romansa.
Produced by Idea First Productions ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana in partnership with TV 5, ang “Parang Normal Activity” ay nagtatampok rin kina Ella Cruz, Andre Garcia at Shaun Salvador at mapapanood tuwing Sabado sa ganap na alas-8 ng gabi sa TV5.