Ruru Madrid, Mikee Quintos reunited

Reunited at last ang mag-best friend at Encantadia co-stars na sina Mikee Quintos at Ruru Madrid sa YouTube vlog ni Mikee kung saan naglaro sila ng “No Laughing Challenge.”

Sa challenge na ito, sinubukan nina Mikee at Ruru na pangitiin o patawanin ang isa’t isa sa loob ng isang minuto.

Kung sinuman ang matawa, kailangan niyang sumagot ng isang tanong. 

Nang si Mikee ang nanalo, tinanong niya si Ruru tungkol sa kanyang lovelife. Nang si Ruru naman ang nakakuha ng pagkakataong magtanong, pinapili niya si Mikee sa kanilang dalawa ni Mikoy Morales na isa rin sa closest friends ng aktres sa showbiz.

Para malaman kung ano ang mga sikretong ibinulgar ng dalawang Kapuso stars sa “No Laughing Challenge,” panoorin ang buong vlog sa YouTube channel ni Mikee.

Leave a comment