Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama mends relationship during Elvis’ wedding

By PSR News Bureau

6e0f67d9c Sa wakas, nagka-ayos na din ang mag-inang Ruffa Gutierrez at si Annabelle Rama. Naganap ang kanilang pagbabati sa kasal ng isang kapatid ni Ruffa na si Elvis sa long-time girlfriend nitong si Alexa Uichico. Hangad daw talaga ni Elvis na magkaayos na ang kanyang ina at ang kanyang kapatid sa araw mismo ng kanyang kasal.

resizeBago ang mismong araw ng nasabing kasal, nagpahayag na ng intensiyon si Ruffa na makipagbati na sa kanyang ina sa palabas na ’24 Oras’ kung saan sinabi nito sa naging pahayag niya na hindi pa daw sila nakakapag-usap ng kanyang ina. “Hindi kami on-speaking terms. Pero ano lang, sinabi lang niya [Annabelle]…nagpahiram naman siya ng mga alahas. It means, she really loves me,” sabi ni Ruffa.

“Kung wala akong alahas, ibig sabihin, galit pa rin siya sa akin. Nag-reach out siya. Thank you, at least, hindi ba?”

ruffa-annabelleMatatandaang nagkaroon ng hidwaan ang mabuting relasyon ng mag-ina nang ipahayag ni Annabelle na hindi nito gusto ang kasalukyang nobyo ni Ruffa. Ginamit ng kanyang ina ang Twitter bilang paraan ng paglabas ng sama ng loob niya sa anak. Ito naman ang ikinasama ng loob ni Ruffa sa kanyang Mommy.
Hindi isinama ni Ruffa sa kasal ng kapatid na si Elvis ang kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal. “Hindi ko na siya isinama. Kasi unang-una, ayoko na naman mag-init ang dugo at ulo ni Mommy [Annabelle]. Ikalawa, kasi it’s a family affair,” tanging nasabi ni Ruffa nang matanong siya kung bakit wala sa nasabing special event ang kanyang nobyo.

Leave a comment