Rufa Mae not sure if she had a relationship with gay

Kasama si Rufa Mae Quinto sa pelikulang Love Is Love, na pinagbibidahan ni Roxanne Barcelo, mula sa RKB Productions, at sa direksyon ni GB Sampedro.

“Ako rito ‘yung certified girl, pero babaeng-bakla, na makulit.  A very me, ’di ba? Kaya swak ako sa Love Is Love. Bestfriend ko rito si Roxanne at Marco (Alcaraz), na isang bading. 

“Sa sobrang lungkot ko, dahil lagi akong olats (talo) sa lovelife, tinangka ko siyang rape-in. Kiniss ko siya. Sabi ko sa kanya, “Maging tayo na lang kaya.”

In real life ba, pumatol o nakipagrelasyon na siya sa bading?

“Hindi ako sure.”

Ibig niyang sabihin, sa mga naging boyfriend niya, meron siyang ping-iisipan o pinaghihinalaan na bading?

“Feeling ko naman, wala.”

Wala siyang pinagdudahan sa dami ng mga nakelasyon niya?

“Ayokong isipin.  Ewan ko ‘yung ibang mga tao baka sila.”

Showing na sa December 4 ang Love Is Love. 

Kasama rin sa pelikula sina Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Neil Coleta, at JC de Vera.

Leave a comment