by PSR News Bureau

Wala pa ring kupas sa pagiging kontrobersiyal ang dating sexy star na si Rosanna Roces. Buong ningning nitong inamin na magpapakasal na daw sila ng tomboy nitong lover. Nagsawa na raw kasi siya sa mga nakarelasyon niyang lalaki bukod pa sa talagang matagal na niyang minamahal ang lesbian na karelasyon niya ngayon.
Sa naging live interview sa kanya kamakailan lang ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, sinabi nitong perfect match sila ng lesbiyanang kinakasama niya ngayon. “Siguro kasi I found my match na talaga this time,” pag-amin pa niya.
Inamin din nitong mabilis siyang magsawa noon sa mga lalaking nakarelasyon niya. Papalit-palit daw siya ng naging nobyo. Para lang daw siyang nage-experiment noon. Pero magkagayon man, parang may kung anong kulang pa rin daw sa buhay niya na hindi niya mawari.
Noong 15 years old daw siya, may naging ka-on na siya na babae. Naging ka-live in daw niya ito. Sinabi rin nitong kaya niya ginawa si Grace

[panganay na anak niya] ay para mayroon silang maging anak ng tomboy niyang lover. Kaso nga lang, nagkahiwalay daw sila nun dahil buong akala daw noong tomboy ay minahal niya yung naging tatay ni Grace.
Matapos nga ng 27 na taon ay muling nagkita sila nung tomboy na iyon, and the rest is history. Proud na proud si Osang na sabihing
“Pakakasal kami, this time totohanan na.”
Ngayon lang daw siya muling naging masaya sa tanang buhay niya. Makikita daw sa kanyang outlook na lahat nga daw ng pagkakamali niya ay naitama niya. Tinigilan na nga rin daw niya yung paninigarilyo niya. Ang maganda pa ay ni hindi nga raw siya nahirapan to quit smoking. Wala daw ka-effort effort.
Sumigla nga muli pati na ang karera ni Osang. Nakatakda itong lumabas ngayong Sabado, February 20, sa isang episode ng Ipaglaban Mo sa ABS-CBN kung saan makakasama nito si Allan Paule sa isang episode kung saan muli niyang ipapamalas ang kanyang galing sa pag-arte.