Rocco Nacino, girlfriend launch ‘Food From The Heart’ for poor families

Power couple talaga sina Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Inilunsad nila ang fundraising campaign na “Food From The Heart” para sa mga pamilyang nasa malalayong komunidad na hindi naaabutan ng relief goods.

“Nagtitipid tayong lahat para tumagal ang budget natin pambili ng makakain, pero marami sa mga kababayan natin ay wala ng pambili ng kahit ano,” ani ni Rocco sa kanyang Instagram account. 

Para sa mga gustong magdonate, maaaring makipag-ugnayan lamang kay Rocco sa pamamagitan ng direct message. 

Leave a comment