“I can say there will be many things I will be thankful for.” – Richard Yap; Hosts thanksgiving to press-friends

pilar@mateo
by Pilar Mateo

1He’s Chines alright. But he admits he does not really follow and adhere much of the feng shui practices the eastern world has introduced us to.

Pero sa ginanap na Thanksgiving Merienda ni Richard Yap sa kanyang Wangfu Restaurant in Morato, nag-provide ng feng shui reader ang Team (Richard) Yap ng aktor.

“Hindi naman kami ‘yung ma-charm kasi na nagsusuot ng mga ito. Kaya nung Chinese New Year, nag-celebrate lang kami sa bahay. Dinner. We went out with our friends na couples din. The same thing we did nung Valentine’s Day.”

Not a date on Hearts’ Day?

“Hindi kami usually nagse-celebrate. For us kasi it’s very commercial. Pareho lang ‘yan. ‘Yun nga last Valentine’s day may balikbayan friends kami visiting here kaya lumabas kami.

“We observe Chinese New Year in a way na simple lang. Dinner. Fruits on the table. May fish. Maraming pineapple.”

2Born on the Year of the Sheep, does he see na this 2015 would be very auspicious for him?

“Sabi naman nila either lucky ka or hindi sa mismong year mo. For me, I was blessed in the Year of the Horse and I think, with the projects coming my way , I can say there will be many things I will be thankful for.”

Nai-share na rin ni Richard na magsisimula na sila ng “Someone to Watch Over Me” ni Judy Ann Santos sa direksyon nina Onat Diaz at Trina Dayrit.

Kaya ngagulat ang marami pero guwapo’ng-gwapo sa new look nito.

May nangumusta tuloy kay Richard sa lovelife at sex life nila ng misis na si Melody.

“Hindi siya selosa, eh. She’s always been supportive. Nung bandang huli hindi na siya sumasama sa taping or shooting. Basta sinasabi lang niya na pakiligin ko pa raw ang mga fan. Halikan ko. Makipag-holding hands ako sa mga mall shows.

“After ng ‘Be Careful with My Heart’, naging busy na ako sa shooting ng ‘The Amazing Praybeyt Benjamin’ until December 27 na. Dahil may promo pa. Nag-HongKong lang kami ng family dahil may school ang kids. May time na umalis kami ni Melody. Kami lang. Nag-Dubai kami with friends.

“Kung susundan ang dalawang kids, 18 na ‘yung panganay and 11 ang bunso. No, hindi pa naman siya menopausic. But I think we’re okay na with the two kids. We just want to focus sa future nila. We want to see them na secure na ang future.”

Consider him an accidental actor. But the success he’s reaping is shared with the people who were part of his journey. Thus, this thanksgiving.

He’s one of a kind.

Follow me…

social networkingPilar Mateo
@pepes_pilar
/pepes_pilar

Leave a comment