Ria Atayde wants to keep JM de Guzman forever

Walang boyfriend sa kasalukuyan ang  “Halik” star na si  Ria Atayde na anak ng award-winning actress  na si Sylvia Sanchez.

Sa pagbubuking ni Arci na may ‘something’ sa kanila ni JM de Guzman, aminado siyang nagulat siya.

Pero nilinaw niya na close friends lang daw niya si JM at may small group sila sa showbiz  kung saan nagha-hang-out sila bilang common friends.

Hindi rin daw niya alam kung nanliligaw sa kanya ang aktor pero nang matanong kung may chance ba ang actor kung sakaling manligaw ito, sinabi niyang walang problema raw naman para sa kanya.

Sa pagtatapat ni JM na tsini-cherish niya ang pakikipagkaibigan kay Ria nang pangmatagalan, ito ang kanyang naging sagot.

“I feel like if you have a connection with somebody naman po, kahit sino pa po ‘yan, if they have such a high value in your life already, you want to keep them forever,” sey niya.

Hirit pa niya, more than 10 years na rin silang magkaibigan ni JM at marami na rin ang nilakbay ng kanilang friendship.

“He’s such a good friend. Okey naman kami. We click, eh. Tropa kami,” aniya. “We are investing on our friendship and getting to know each other more,” dugtong niya.

Sey pa niya, nagkakasundo sila ni JM dahil narito ang ilan sa mga qualities na hinahanap niya sa isang lalake.

“Mabait siya, mapagmahal sa pamilya, marespeto, so iyon,” ani Ria. 

Dagdag pa niya, hindi rin daw big deal para sa kanya kung dating nalulong sa droga at may pinagdaanang madilim na nakaraan si JM.

“Sa tingin ko naman kasi, he wouldn’t be the person he is now, if he didn’t go through all of that. And I think the person he is now is a good person.”

Kasalukuyang ginagawa ni Ria ang isang serye para sa Iwant kung saan kasama niya sina Nicco Manalo, Chai Fonacier, Fifth Solomon at marami pang iba.

Leave a comment