Rhyme “Happy” Enriquez supports HIV awareness project

Bilang selebrasyon ng National Arts Month and the Month of Love, ang various sectors, government agencies, academe and private institutions ng Marikina City ay nagkaisa na gumawa ng “One Big Group Hug Event” titled “Happy Hugs for Love and Respect.”

Layunin nito na itaas ang antas ng awareness and encourage family and community na suportahan imbes na layuan at pandirihan ang mga taong living with HIV, persons with mental health challenges and anyone who feels they need a hug or they want to share a happy warm hug.

Nagkaroon muna ng film showing sa pagsisimula, ang “Ang Timeline ng Buhay ni B” starring Lotlot de Leon and Cogie Domingo na mula sa direksyon ni Crisaldo Pablo at sya ring sumulat produced by The LoveLife Project for Health  and Environment, Inc.

Isang advocacy film ito tungkol sa isang teenager na lalake na natuklasang infected with HIV and must face the stigma attached to it.

Pinatunayan din ni Regie Pasion, spokesperson ng LGBTQ+ sa Marikina na sa datos na 35 per day na nai-inflict ng HIV nationwide, posibleng kabilang ang mga komunidad na nagkaroon ng ganitong karamdaman.

Sa gitna ng film showing ay dumating si Korina Sanchez na sinabing mahal nya ang Marikina kaya todo ang suporta nya sa mga event na nagaganap dito lalo na ang tungkol sa Aids awareness. Kinunan pa ni Korina ang mahahalagang event at ipapalabas sa “Rated K.”

Sa tulong at suporta ni HIV prevention advocate and strong supporter na si Mr. Rhyme “Happy” Enriquez katuwang ang kanyang maybahay na si Mary Rachelle Espina- Enriquez, naging matagumpay ang nasabing event  na idinaos sa Marikina Heights Covered Court.

Isang matagumpay na entrepreneur si Mr. Enriquez na owner and president of various companies such as LREE INTECH Media Innovations and Technology, Uandrea Tours and Services ( Travel Agency), Uandrea Tourist  Bus Transportation ( Tourist Transport Services), E-Farm( Educational Farm), Kalaoasis Adventures and Cube Tours and Travel.

He was awarded as the Most Outstanding and Trusted Travel and Tours Provider ( Marikina)  during the National Customer Choice Annual Awards 2016.

Dahil nais pa nyang makatulong sa mas marami pang nangangailangan lalo na ng trabaho, pag-unlad at pagyabong ng sarili at komunidad, ipinasiya ni Mr Rhyme “Happy” Enriquez na lumahok na sa pulitika. Tatakbo sya bilang councilor ng Marikina District 2.

Marami syang plano para sa Marikina at higit sa mga taong nasasakupan ng kanyang distrito.

Leave a comment