Rhian Ramos admits teenage crush on JM de Guzman

Aminado ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na old crush niya si JM de Guzman.
Na-meet kasi niya ang kanyang co-star noong mga 15 years pa lang siya at nagkakaroon pa lang ng interes sa show business.

Dumalo siya sa isang event sa imbistasyon ng kanyang Tita Ida Henares na noon ay head pa ng GMA Artist Center kung saan nasa nasabing pagtitipon si JM.

“Iba pa ang hitsura niya noon. He was kalbo, and he had a hiphop outfit on, and medyo chubby pa siya. When I met him at that event, for two weeks straight, punong-puno yung notebooks ko ng [doodles] ‘Juan Miguel de Guzman’. In short, naging fan niya ako,” sey ni Rhian.

Kaya naman noong nagsho-shoot lang sila ng “Kung Paano Siya Nawala,” may nag-uumalpas na feeling sa kanya na sabihin ito pero pinili niyang matapos na muna ang movie bago niya ito ibulgar.

“Ayoko ko kasing maka-affect kung ano iyong rapport namin sa set. Kasi, the whole time iyong rapport namin sa isa’t isa. Basta we were just truthful to each other and the whole time, pinu-push ako ni Direk na sabihin ko na. Sabi ko, hindi kaya may magbago kung sinabi ko iyon, kahit napakatagal na. Hello, 15 years old pa lang ako noon. Besides, I’m not sure if Juan Miguel de Guzman and JM are the same person then,” paliwanag niya.

Bilang girl, ayaw din niyang isipin ni JM na sobra siyang ‘easy.’

“Actually, ako nga siguro ang may face blindness . Hindi ko nakonek na same person pala iyon.Tapos, noong tapos na talaga ang shoot , doon ko lang sinabi na siyanga pala, noong bata pa ako,sobrang hanga ako sa iyo,” bida niya.

Ngayon daw na nasabi na niya ang gusto niyang sabihin, lalong naging kumportable raw sila ni JM bilang magkaibigan.
“It’s a full circle moment. Ang tagal na noong nagtatanong kung paano kami nag-meet so inamin ko na, [pero] inintay ko after shooting,” aniya.

Hirit pa niya, nakatulong din daw na pareho sila ni JM na dumaan sa maraming pagsubok sa kanilang karera, love life at buhay.

“Pareho kasi kaming naka-experience ng challenges sa buhay. Once kasi na may pinagdaanan ka sa life mo na ikaw mismo hindi ka sure na kaya mong malagpasan. Once na umabot ka sa point na iyon sa life mo, connected ka na sa mga taong umabot din doon, eh. Kasi hindi lahat ng tao, alam iyong feeling na iyon, na kaya ko bang lampas an ito o tapos na ako,” deklara niya.

Dahil sa closeness nila, nakakapag-open up na rin daw sila sa isa’t-isa.

“Pareho kasi kaming may pinagdaanan sa life namin at parehas din naming alam iyong feeling na iyon, so madali na ang mag-open up sa isa’t isa na hindi mo iisipin na i-ju-judge ka at alam naming maiintindihan niya iyong pinagdaanan ko at maiintindihan ko ang pinagdaanan niya,so it’s easy to connect,” pagwawakas niya.

Ang “Kung Paano Siya Nawala” ay kuwento ng dalawang taong ang tanging nagbubuklod ay ang kanilang mga alaala.

Mula sa produksyon ng TBA Studios at sa direksyon ni Joel Ruiz (Baby Angelo), ang “Kung Paano Siya Nawala.”

Kasama rin sa supporting cast sina Agot Isidro, Paolo O’hara at Barbara Ruaro.
Palabas na ito sa lahat mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 14.

Leave a comment