Rez Cortez on doing sexy scenes in AQ Prime’s Mang Kanor: Kalabaw lang ang tumatanda

Si Rez Cortez ang pangunahing bida sa pelikulang Mang Kanor. Ito ang first time na nagbida siya sa pelikula sa loob ng limang dekada niya sa showbiz.

Isa ang Mang Kanor sa mga pelikulang ibinandera sa grand launch ng bagong streaming app na AQ Prime Stream last Saturday, June 4, na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Ayon kay Rez, ang Mang Kanor ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018.

“Mang Kanor is a very controversial character nu’ng mga 2018. And kahit na nga ganu’n si Mang Kanor, pero siya rin ay isang tao na nagsisi sa kanyang mga ginawa. At sana, kapulutan ng aral ng mga kabataang babae na huwag basta-basta magtitiwala sa isang katulad ni Mang Kanor,” sabi ni Rez.

Pero ayon kay Rez, wala siyang idea kung ibinase ang buong pelikula sa life story ng lolong nasa viral scandal.

 “Hindi ko lang alam kung kinuha nila yung rights nu’ng original na Mang Kanor. Parang ‘yung pangalang Mang Kanor ay naging generic. Wala namang particular person na pinatutungkulan dito sa movie na ginawa namin.

“Yung Mang Kanor dito sa movie, nademanda pero nakulong siya on a different case. Pero hindi siya nakulong dahil du’n sa mga nag-viral na mga sex video. Dahil hindi naman napatunayan na si Mang Kanor ang nag-upload noon.

“Dahil nawala ang cellphone, at may ibang nag-upload kaya nag-viral yung mga video,” paliwanag pa niya.

Sa nasabing pelikula ay may love scenes si Rez. At sa edad nga niyang 66, very proud pang sinabi niya na kering-keri pa rin niyang sumabak sa mga ganug klaseng mga eksena.

“Kalabaw lang ang tumatanda. Hindi naman nakakapagod kundi nakakadiri na! Ha-hahaha! Pero ang binigyan naman ng focus, ang mga babae.

“Kasi, yung mga sexy, ganyan-ganyan. Kung merong breast exposure sila, e, si Mang Kanor, nag-breast exposure rin. Hahahahaha!” natatawang sabi pa ni Rez. 

Leave a comment