Excited na ang mga taga-Isabela sa concert ni Mr. Rey Valera sa November 17, 2022, huwebes ng gabi sa Casino Filipino sa King Street Mall, Rizal Avenue, District 3, Cauayan, Isabela.
Ito ay kasama sa isang araw na selebrasyon ng blessing ng nasabing mall kasabay ang grand opening ng Casino Filipino Cagayan Valley.
Ang mga awit ng pag-ibig ni Rey Valera ay garantisadong magdadala sa mga manonood sa magandang alaala at nakalipas na panahon.
Ang concert ay free para sa 21 years old and above, at first-come first-serve basis.
*****
Ayon kay Carla Abellana, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na divorced na siya sa dating asawang si Tom Rodriquez, lalo na’t hindi pa naman ito ipinatutupad sa Pililipnas.
“Hindi pa. You know why? Because number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. ‘Di ba alam naman natin ‘yan, either legal separation lang ‘yan or nullity ng marriage,” sabi ni Carla sa interview sa kanya sa podcast na ‘Updated with Nelson Canlas.’
Patuloy niya, “So dahil ang foreign ng divorce at wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito, hindi pa siya fully nagsi-sink in kasi sa ibang bansa pinrocess eh, it was processed in the United States kung saan existing ang divorce.
“Dito kasi hindi, of course iba ang ating legal system dito. So technically, kumbaga ‘yung mind ko, fully aware naman na, yes, divorce technically. Kumbaga when I go to the United States, divorced ako doon, single ako ulit, I am free, ‘yung ganu’n ba.”
Para sa aktres, iba pa rin ang pakiramdam kung ganap na kinikilala na ang diborsyo sa ating bansa.
“I don’t know, maybe sa akin lang ‘yon, sa mind ko lang ‘yon. Pero kasi iba pa rin ‘yung sa atin ‘pag recognized na ng mismong local court natin, ng legal system natin. Iba pa rin ‘yung, ‘Okay, divorced ka doon, single ka na.’ Pero dito hindi, so hindi pa siya nag-si-sink in,” aniya.
Diretsahan ding sumagot si Carla na hindi iisang bagay lamang ang dahilan ng breakup nila ni Tom.
“I cannot answer that question kasi madami, madami pong dahilan. Hindi po mababaw, hindi po ganu’n kadali, hindi po iisang bagay lang. Talagang maraming reasons as to why [we parted ways]. Madami naman talaga.”
Ayon pa kay Carla, hindi pa siya kinakausap ni Tom, na huli niyang nakita noong Pebrero. Nalaman din niya mula sa kanilang manager na lumipad patungong Amerika si Tom noong Marso.
“But since then, walang phone calls, no text messages, nothing,” sabi ni Carla.
“Since then, wala talaga ever since. So it’s been what..more than six months na walang ganu’ng communication. Dahil hindi na rin naging maganda ‘yung mga nangyari eh, seryoso na talaga and ibang usapan na, lawyers were already involved. Umabot sa point na ‘yung lawyers na lang ang nag-uusap.
“So definitely, no communication since February, mga ganiyan, March. So ang tagal na no anything. No phone calls from both ends — walang nag-re-reach out, walang tumatawag, walang nag-me-message,nothing.”