Revilla prepares gadgets, cash prizes for his followers

Entertainment editor: Josh Mercado

Excited na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. para sa kanyang kaarawan sa Sabado, September 25, dahil marami na naman siyang mapapaligayang mga kababayan natin sa ipamamahagi niyang tulong at papremyo sa birthday niya.

Very successful ang birthday giveaway ni Sen. Bong last year kaya nagbabalik sa kanyang Facebook Live ang Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sabado at extended hanggang Linggo, Setyembre 26.

Mamimigay si Sen. Bong nang santambak na gadgets (laptop, cellphone at Ipad). Tapos idagdag pa ang Kabuhayan package at cash prizes para makapaghatid ng tulong sa taumbayan saan mang sulok ng bansa.

Siyempre ang mga kasali sa Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway ay iyong mga nag-fill up ng Google forms at isinumite sa social media accounts ni Sen. Bong. Kailangan ding naka-subscribe sa kanyang official YouTube Channel.

Sa kanya ngang Facebook Live last weekend ay ibinalita ni Sen. Bong ang kanyang mga ginagawang paghahanda gayundin ang updates para sa kanyang Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway.

Ayon kay Sen. Bong, “Nandito ako sa aking bahay at nagpaplano kami for September 25 and 26 for my birthday. Kumbaga birthday ayuda para sa ating mga kababayan. Yun pong ating Kap’s Amazing Agimat Birthday Giveaway marami-rami na po tayong naipon at siyempre marami po tayong matutulungan, marami tayong mapapaligaya.

“In fact, ilang milyon na pati yung kinita po ng ating YouTube (channel) at saka Facebook (page), malaki-laki rin iyon, umabot na rin ng P1.5 million. Kaya more or less P4 to 5 million ang ating ipamamahagi sa ating mga kababayan. Yun pang mga tulong ng mga kaibigan natin. At may special guests pa tayo na magpe-pledge din ng support sa September 25 and 26 para makatulong sa ating mga kababayan ngayong panahon na kailangan ng bayanihan. Instead na mag-big birthday party ka, itulong mo na lang sa kapwa mo, di ba? So, iyon po ang ating ginagawa. Matagal ding nawala yung ating Kap’s Amazing Giveaway. But we’re back!”

Hindi niya rin nakalimutang pasalamatan ang mga tumutulong sa kanya.

“Sa lahat ng ating sponsors, mga kaibigan natin na magbibigay ng ayuda, maraming salamat. Alam niyo na kung sino kayo. At least marami tayong mapapaligaya.”

Leave a comment