Real life sweethearts star in ‘Rendebu’

Bida sina AJ Muhlach at Anna Mabasa sa pelikulang “Rendebu.” Real life sweethearts ang dalawa at malapit na silang ikasal. Wala pang detalye sa pag-iisang dibdib nila pero nasa planning stage na ito. 

Kuwento ng dalawang nagmamahalan ang Rendebu na tulad sa totoong magsyota ay dumarating ang hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon. Minsan masakit pero ‘yun ang katotohanan. Sa pelikula ay naipakita ang values ng relasyong nagmamalasakitan, nagtutulungan at totoong pag-ibig na puwedeng tumagal at puwede rin namang piliin kung ano ang iyong kagustuhan. 

Marami ang makaka-relate sa romantic comedy film na ito lalo na ang mga nagmamahal at minamahal. Siguro lang dapat sa taong inlove ay lawakan ang pang-unawa dahil kapag usapang puso na talaga ay naroon ang pain. Hindi naman talaga puro kaligayahan lang. Tulad ng mga karakter nina AJ at Anna na dumaan talaga sa ligaya at kalungkutan. 

Speaking of Anna and AJ pala, first time namin mapanood silang pareho sa big screen at pasado naman ang akting nila sa amin lalo na si Anna na isang baguhan palang sa field na ito. Napaka-natural  ng kaniyang pag-arte. Kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon sa showbiz ay siguradong mas lalo pa siyang gagaling at makikilala. 

Si AJ naman, tested naman na ang pagiging mahusay niya dahil sa dami na ng pelikula at teleseryeng nilabasan niya ay hindi mo na kukuwestiyunin ang husay niya sa pag-arte. Sayang nga lang at hindi siya nabibigyan ngayon ng mga project na magaganda bukod dito sa RENDEBU. 

Siyangapala ang pelikula ay prodyus ng CEBSI Films. Mula sa direksyon ni Christian M. Albert.

Leave a comment