Quinn Carrillo reveals her longtime showbiz crush

NU’NG April 11 ay birthday ni Quinn Carrillo, isa sa member ng all-female group na Belladonnas.

Pero kinabukasan pa siya nagkaroon ng birthday party, na ginanap sa Taggo Bar and Café sa Tomas Morato. Nung mismong birthday kasi niya ay may work siya.

Ang ilan sa mga naging bisita ni Quinn sa kanyang birthday party ay ang Clique V, na kasamahan niya sa 3:16 Events and Talent Management Company owned by her mom, Ms. Len, co-Belladonnas, mga kaibigan in and out showbiz, press friends, na isa kami ru’n, at siyempre pa, hindi nawala sa okasyon ang very supportive niyang ina na si Ms. Len.

Tinanong namin si Quinn kung ano ba ang birthday wish niya. Ang sagot niya, “Birthday wish ko po, sana more success pa sa career, and more blessings para po sa family ko.”

Ano ang maituturing niyang pinakamagandang gift na natanggap niya sa birthday niya, at sino ang nagbigay?

“Siguro po  itong nekclace ko, kasi galing po kay mom,” sagot ni Quinn.

Nang tanungin namin kung gaano kamahal ang price ng necklace, ang sabi ni Quinn na natatawa, ”Hindi na po ‘yun mahalaga.  Pricelss po para sa akin ito, kasi bigay ng nanay ko.”

Sa tanong naman na kung may boyfriend na siya at kung present sa kanyang birthday party, ang natatawa na namang sabi niya, “Wala po akong boyfriend. Kaya wala po akong maipapakilala na boyfriend na present sa party ko.”

Hindi pa ba siya nagkakaroon ng boyfriend?

“Nagka-boyfriend na naman po, pero hindi naman po siya kilala,” pag-amin ni Quinn.

May showbiz crush ba siya na wish niyang makasama niya sa birthday party niya?

“Yung all-time crush ko po, si Jericho Rosales. Baka po ‘pag pumunta siya rito, himatayin ako,” natatawa na namang ng dalaga.

“Bata pa lang po ako, crush ko na siya. Napapanood ko po siya rati sa Eat Bulaga, nu’ng sumali siya sa Mister Pogi, tapos po ru’n sa “Pangako Sa ‘Yo” (ang seryeng pinagbidahan nina Jericho at Kristine Hermoza).”

Maganda at sexy si Quinn, bukod sa matalino ito. Kaya pwedeng-pwede siyang sumali sa mga beauty contest.

“Actually, marami pong nagsasabi sa akin na pwede nga raw po akong sumali sa mga beauty pageants, kaya lang ang problema lang daw po sa akin, kinapos daw po ako sa height requirement. Yun po ang matagal na matagal ko nang frustration, kinapos po ako sa height.”

Leave a comment