Quinn Carrillo has no plans of leaving Belladonnas

Pagkatapos ng kanilang matagumpay na concert kasama ang Clique V, patuloy ang pamamayagpag ng karera ng all-female group na Belladonnas.

Sunud-sunod ang kanilang mga shows at out of town appearances kaya naman sila na ang hinuhulaang susunod sa yapak ng Sexbomb girls.

Ayon nga sa lider ng grupo na si Quinn Carrillo na nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan kamakailan,gusto nilang samantalahin ang pagkakataon lalo na’t lumalago ang kanilang fan base.

Personally, wish pa niya na pandayin pa ang kanyang talento at linangin pa ang kanyang sining.

“For me, wish ko po ang more success sa career at more blessings for my family,” aniya.

Dahil nakapokus ang atensyon sa karera, hindi rin daw niya priority ang magkanobyo.

“Hindi po kailangan ang lovelife. Hindi naman bawal pero wala rin pong planong mag-entertain especially that there’s a lot going on in my life right now. Ayoko ko pong ma-distract, so lovelife isn’t my priority right now,” paliwanag niya.

At 21, wala pa raw balak magsolo si Quinn at tumiwalag sa kanyang grupo.

“Sobrang mahal ko po ang Belladonnas. Wala pa po akong balak magsolo kasi kami naman we’ve always been encouraging one another,” aniya. “Hindi na siya mabubuwag kahit namamayagpag na iyong iba sa career nila sa individual at sa grupo,” dugtong niya.

Sey pa ni Quinn, sa ngayon kuntento at masaya pa siya sa kanyang grupo.

“Hindi naman po ako nagmamadali kasi bago pa lang po ako.Hindi naman po ako nag-aasam na magsolo agad. I know naman na it’s a hard industry. Marami nga po na 5 to 7 years na nakapasok bago sumikat,” esplika niya.

Dagdag pa niya, pangarap din niyang masubukan ang karera sa mga Broadway musicals.

“Sobrang pangarap ko po siya. Iyong acting,singing and dancing sa Broadway,kaya naman patuloy na nagtre-training kami sa acting,training at dancing at uma-attend ng mga workshops,” ani Quinn.

Thankful din si Quinn sa kanyang 3:16 Talents and Events Management Company at sa kanyang mom na si Len Carrillo dahil supportive ang mga ito sa kanyang career.

Tapos na ni Quinn at ng ibang talents ng nasabing kumpanya ang advocacy film na Kodep.

Malapit na nilang simulan ang kanilang follow up movie na isang dance drama na ididirehe ng magaling na direktor na si Carlo Obispo.

Leave a comment