‘Prince of Ballad’ is for Gerald Santos claims manager

Lumikha ng konting ingay ang nasulat (sa PSR na ang editor ay si Josh Mercado) na ang dating contestant na nagngangalang Anton ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ay tinatawag na Prince of Ballad.

Of course marami ang tumaas ng kilay kabilang na kami dahil alam namin kung sino ang may-ari at may karapatan sa titulong ito.

Matagal na itong hawak ni Gerald Santos na ngayon ay nasa United Kingdom para sa Miss Saigon.

Siyempre pa, umalma rin ang tumatayong manager ng singer na si Rommel Ramilo. Narito nga ang ipinadala niyang mensahe sa amin:

“Hello! Request lang po ako ng kaunting tulong mula sa inyo. May lumabas na article si Rommel Placente tungkol kay Anton Antenor Cruz ng Tawag ng Tanghalan.

“Sa panulat na yun ay binansagang The Prince of Ballad si Anton. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ang titulong yun ay identified na kay Gerald. In fact, ang 4th album ni Gerald ay Gerald Santos : The Prince of Ballad.

“Apparently, ang moniker na yan ay galing mismo sa Tawag ng Tanghalan. Magaling si Anton pero nakikiusap kmi na mga supporters ni Gerald na humanap sila ng ibang titulo for Anton. At saka hindi pure ballad ang genre ni Anton. May pagka-RnB sya. Si Gerald ang pure ballad ang genre.

“Naipaabot ko na sa Star Music ang concern ko na ito pero kailangan pa rin namin ang tulong nyo para hindi tuluyang maagaw ang titulong ‘yun kay Gerald at napakalakas ng media mileage ng Showtime at TNT.

“Napakatagal po naming pinaghirapan ang titulong yun. Songs like Hanggang, Kahit Isang Saglit, Maghintay Ka Lamang at marami pang mga awitin ( English or Tagalog ) ang magpapatunay kung gano ka-pure si Gerald bilang isang balladeer.

“Maraming salamat at sana ay matulungan nyo kami na maipaabot ito sa kinauukulan.GOD bless us all!”

received_10213813041574829

Ayan ang pahayag niya na sabi nga namin ay isa kami sa mga hindi pumapayag na agawin ang title kay Gerald na nag-iisang Prince of Ballad ng Philippine Music industry.

In fairness naman kay katotong Rommel Placente nang makausap namin yung pagkakasulat daw niya na Prince of Ballad yung Anton ay bansag lang sa kaniya sa Tawag ng Tanghalan at hindi naman niya sinabing siya na ang Prince of Ballad.

Anyway, patuloy ang pamamayagpag ni Gerald sa Miss Saigon.

After ng successful Press Night na ginanap sa Theatre Royal, Plymouth kamakailan ay ratsada uli siya sa show at nakapagtala na siya ng 328th performances bilang Thuy ng Miss Saigon. Grabe ang energy niya ha.

Maganda rin ang performance ng kaniyang music video sa kaniyang single na I AM YOURS sa Pinoy MYX Countdown kung saan pasok ito sa Top 20 na nasa 4 weeks na sa countdown.

Please continue watching, sharing and voting for this video.

Just sign up ( if you still haven’t signed up ) and login to myxph.com. Click the online voting and type I Am Yours – Gerald Santos.

Birthday pala ng fan ni Gerald kahapon. Tuwang tuwa ang fan dahil sa munting pag-greet ng Prince of Ballad.

Dahil para kay Gerald, mahalaga ang lahat ng kanyang fans. Binibigyan nya ito nang pansin at time to celebrate with.

Leave a comment